Home Pilantik Kons. Susan Angeles sa Pulilan, kabalikat ng mga mahihirap

Kons. Susan Angeles sa Pulilan, kabalikat ng mga mahihirap

32
0
SHARE

MAY kasabihang wala na raw sasaya at sasarap sa pakiramdam ng isang tao kung di ang ikaw ay makatulong sa iyon kapuwa na walang hinihintay o naghihintay ng anumang kapalit at anupaman.

Ganyan ngayon ang siyang nakikita ng maraming Pulilenyo sa katauhan sa katauhan ng isang Anak Mahirap na sa ikalawang pagkakataon ay muling sasabak at makikipagsapalaran sa larangan ng pulitika upang tugunan ang problema at suliranin ng kanyang bayang sinilangan sakaling palarin o manalo sa darating na halalan.

Siya si Susan Angeles na mula sa isang pamilyang iginagalang sa kabila ng kanilang kalalagayan. Anak mahirap kaya naman damang-dama niya ang damdamin ng mga maralitang kababayan o yaong sinasabing mga pamilyang naroroon sa laylayan ng ating lipunan na dahop sa kabuhayan.

Susan Angeles, bukod tanging supling nina Francisco Angeles ay may tatlong anak, maybahay o kabiyak ni NBI Asst. Director ng Butuan City na si Serafin Gil.

Nagtapos si Susan ng High School sa Pulilan Institute at kumuha ng kursong Edukasyon sa Baliwag University. Kilala rin si Susan Angeles bilang isang magaling na majorette ng mga bandang musiko.

Hindi rin po lingid sa kaalaman naming mga Pulilenyo kung gaano kasigasig si Susan Angeles sa kanyang pamamaraan ng pangangampanya upang makuha lamang ang pagtitiwala ng aming mga kababayan.

Hanggang sa kasuluk-sulukan, umaaraw man o umuulan ay kanyang pinupuntahan ang mga kababayan upang ipadama at ipakita ang kanyang layunin, ang makapaglingkod ng buong katapatan.

Kaya naman ngayon pa lamang ay napakaraming Pulilenyo ang umaasa at naniniwalang mayroong upuan na naghihintay kay Susan Angeles sa Konseho ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan.
Dahil ang labang ito ay laban ng bawat isang Pulilenyo, higit sa lahat ay laban ng nag-iisang Susan Angeles na nagnanais itaas ang estado ng pamumuhay ng kanyang mga kababayan.

Magkaisa po tayo at siya ay ating tulungan na maluklok sa Konseho at maging isang ganap na Konsehala sapagkat siya po ang ating magiging boses at kasangga sa ating lokal na pamahalaan.

Tulungan po natin si Konsehala Susan Angeles para sa maralitang Pulilenyo, alang-alang sa bayan mo at bayan ko!

Sa darating na halalan, “Kay Susan po tayo”!

Konsehala, Mabuhay ka!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here