Home People & Community Konsehal Niño Bautista, ginawaran ng Outstanding City Councilor of the Philippines

Konsehal Niño Bautista, ginawaran ng Outstanding City Councilor of the Philippines

303
0
SHARE
Ipinapakita ni Konsehal Niño Bautista ng Lungsod ng Malolos ang natanggap na katibayan mula sa Superbrands Marketing International (SMI)-Philippines ng gawaran siya bilang Outstanding City Councilor of the Philippines kamakailan.

LUNGSOD NG MALOLOS — Dahil sa kanyang ipinamalas na kahusayan at katapatan sa sinumpaang tungkulin bilang Konsehal ng Lungsod ng Malolos ay ginawaran ng prestihiyosong Outstanding City Councilor of the Philippines si Konsehal Atty. Niño Bautista ng Superbrands Marketing International (SMI)-Philippines noong ika-28 ng Agosto sa Ayala Ext., Makati City.

Si Kons. Bautista ay kasalukuyang nasa kanyang unang termino at pinakabatang kasapi ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos. Naging basehan ng parangal ang mga Ordinansa at Kapasyahang Panlungsod na kanyang iniakda at napagtibay gayundin ang kanyang mga programa at proyektong isinulong para sa kapakanan ng mga Malolenyo.

Nagsimula si Kons. Niño bilang primero kagawad ng Barangay San Vicente sa edad na 24, naging ganap na abogado sa edad na 25 at naging konsehal ng Lungsod sa edad na 26. Pinakita agad niya ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod dala-dala ang kanyang prinsipyong “Serbisyong may Puso at Malasakit ” at ang “Trabaho Muna!” kung saan ay pinagbuti niya ang kanyang gawaing lehislasyon na nagbunga ng mga makabago at napapanahong programa at pagtulong sa mga nangangailangan.

Sa loob lamang ng halos dalawang taon sa serbisyo ay naitindig ni Konse Nino Bautista (pinakamarami sa kasalukuyan) ang mga sumusunod:

I. Sectoral Empowerment:

1. Libre Sine Day kina Lolo at Lola Dalawang Araw na tuwing Lunes at Martes,
2. Libreng Serbisyo Medikal, Dental at Sikolohikal sa lahat ng SC, PWD, War Veterans at Solo Parents,
3. Rules of Procedure sa paglalabas ng 1% share ng mga SC at PWD sa Pondo ng Barangay,
4. Resolusyon sa Tamang Diskwento ng mga SC at PWD sa lahat ng Ospital, klinika at Establisimento sa Lungsod at
5. Resolusyon sa pagtatatag ng Office of the Persons with Disability Affairs (OPDA).

II. Health Services:
1. Tooth brushing and Hand washing Ordinance,
2. City Nutrition Rehabilitation Center Ordinance,
3. City Pharmaceutical Ordinance,
4. Food Feeding Regulatory Ordinance,
5. Proper Food Handling Ordinance,
6. Tumindig sa usapin ng Dengvaxia at Japanese Encephalitis.

III. Social Services:
Free Workbook for All Daycare Children Ordinance,
Consumer’s Protection and Price Watch Ordinance,
Anti-Hospital Detention Ordinance,
Barangay Animal Welfare and Protection Ordinance.

IV. Public Safety and Regulatory Ordinances:
Drone Regulatory Ordinance,
Fire Blanket Ordinance,
Safe Swimming Pool Ordinance(introduced amendments),
Siphoning Regulatory Ordinance,
Junkshop Regulatory Ordinance,
Candle Lantern Regulatory Ordinance,
City Anti-Human Trafficking Ordinance,
Resolusyon para sa pagpapaliwanag ng kahabaan ng McArthur Highway.

V. Disaster Risk Reduction Ordinances:
1. Earthquake Drill Ordinance,
2. Information Dissemination Ordinance,
3. Resolusyon para sa pagbili ng mga modernong kagamitan para sa Search and Rescue Operations, Evacuation, Disaster Preparedness.

VI. Environment Protection:
Mangrove Protection, Rehabilitation and Propagation Ordinance,
Sagip Ilog Ordinance,
Tree Propagation Ordinance,
Resolusyon para sa declogging and desilting ng kailugan sa Lungsod,
Eco-Warrior Resolution.

VII. Education and Youth Development:
City Literacy Ordinance,
City Youth Development Ordinance,
City Teacher’s Development Ordinance,
City Teacher’s Recognition Ordinance,
Children’s Code,
Resolution to provide scholarship grant for Grade 11 and 12 students,
Resolution converting Barasoain Memorial Elementary School (BMES) into Integrated School to open grade 7 upwards.

Isinagawa din niya ang kampanya laban sa basura sa pamamagitan ng pagbaba sa bawat paaralan at barangay sa ilalim ng “Maging Eco-Warrior Campaign” kung saan ay ipinaliliwanag ang nilalaman ng Republic Act No. 9262 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Sa larangan naman ng hanap-buhay ay nagbigay siya kasama ang kanyang mga kaibigan ng Libreng Pagsasanay gaya ng Body Massage Training, Basic Computer Operations Training at libreng konsultasyon ukol sa usaping ligal.

Mula taong 2011 bilang kalihim ni Mayor Christian Natividad hanggang sa kasalukuyan ay pinangunahan niya ang “Balik Biyaya Para sa Kalikasan” na nagresulta ng humigit kumulang 10,000 puno ang naitanim sa lungsod. Siya din ay ginawaran noong 2015 ng Gawad Bunying Abogado ng IBP- Bulacan Chapter.

“Ito po ay bahagi ng ating pagtupad sa tungkuling ating sinumpaan at niyakap gayundin bilang pasasalamat sa pagmamahal, pagsuporta at pagtitiwala ng ating mga kalungsod. Alay ko po ang karangalang ito, Una sa Panginoon, at sa ating lahat,” ani Konsehal Nino Bautista. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article‘King Wa Ang Naglahong Kaharian ng Quingua’ wins Sineliksik Bulacan Docufest 2018
Next articlePlanong pagtatayo ng paliparan sa Bulacan, panganib nga ba sa mamamayan?
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here