Konstruksyon ng admin building ng BJMP-Candon City, on going na

0
238

LAKING TUWA at pasasalamat ng mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Candon City, Ilocos Sur matapos na kamakailan lang ay sinimulan nang itayo ang bagong gusali sa mismong compound ng naturang City Jail na gagamitin bilang BJMP Administrative Building.

Ang naturang building ay pinondohan ng Local Government ng Candon City na pinamumunuan ni Hon. Mayor Ericson G. Singson. Malaking tulong ito para sa mga kapatid natin na PDL para magkaroon sila ng mas malaking space at maiwasan ang mga sakit na pwedeng idulot ng jail congestion.

Dahil dito, personal na nagpunta si J/Chief Insp. Bruno B. Mariano, ang Jail Warden ng BJMP-Candon City, sa opisina ng Mayor para personal na iparating sa nasabing opisyal at sa mga miyembro ng city council ang kanilang taos-pusong pasasalamat.

Ayon kay Mariano, masayang-masaya siya dahil sa continuous support ang ibinibigay na suporta ng LGU para sa BJMP-Candon.

“Hindi talaga mabilang sa daliri ang mga suportang tinatanggap natin mula sa ating mga mababait at matutulunging city officials kaya naman abot-abot ang aming pasasalamat sa kanila. Sana po ay hindi sila magsasawang tulongan kami. Thank you, thank you talaga sa inyo, Mayor Singson at siyempre kasama din ang mga iba pang city officials ng Candon sa ating mga dapat na pasalamatan,” wika ni Mariano. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here