Home Katropa Rumoronda Kooperatiba sa Bulacan, patuloy na kinikilala!

Kooperatiba sa Bulacan, patuloy na kinikilala!

21
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

BIGYAN pansin natin ang winika at pagkilala ni Governor Daniel Fernando ng Bulacan hinggil sa patuloy na pag-unlad ng mga Kooperatiba sa Lalawigan ng Bulacan. Ayon sa kanya, “pinalawak ninyo ang prinsipyo ng patulong sa sarili na siyang tunay na diwa ng bayanihan sa pamayanan. Tinanim ninyo ang prinsipyo ng bolunterismo sa pamayanan at naglingkod kayo ng walang reserbasyon sa katatayuan sa buhay ng inyong mga kasapi. Mabuting halimbawa kayo ng responsibilidad sa lipunan, at instrumento kayo ng katarungang panlipunan.”

Tsk! Tsk! Tsk! Ang Bulacan ay kinilalang ‘Cooperative Capital ng Pilipinas.’ Iyan ay sinusuportahan at kinilala ni Cooperative Development Authority (CDA) Regional Director Marrieta Hwang, kinatawan ni CDA Chairperson of the Board of Directors Usec, Orlando Ravanera, sa okasyon ng ‘Galing Gawad Kooperatiba,’ na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, kamakailan.

Naalala ko tuloy ang aking Klasmeyt sa Lyceum of the Philippines, na si G. Benny Blones, dating Head ng Kooperatiba sa Lalawigan ng Bulacan. Sa kanyang panahon ay kinilala din ang Samahan ng mga Kooperatiba sa Bulacan, umunlad at naging progresibo, hanggang ngayon. Mabuhay ang mga Kooperatiba sa Bulacan.

*****

Maganda ng nilalaman ng talumpati ni Mayor Arturo Robes, sa kanyang pagbisita sa isang okasyon ng Serbisyong Panlipunan, kamakailan. Ayon sa kanya, ang naturang ahensiya ay marami na ding natulungan, partikular na sa mga kalagayan ng mga katandaan at may mga kapansanan at iba pang nangangailangan ng ayuda mula sa pamahalaan. Dahil sa patuloy na pag-angat at nagiging progresibo ang Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ay dumoble pa ang dami ng pera ng Lungsod. Maraming nagtitiwalang mamumuhunan, kaya patuloy ang pagdami ng istrakturang naisasagawa.

Binanggit din niya ang kanilang naitayong City College of San Jose Del Monte para sa mga mahihirap na magaaral na nais na makatapos ng pagaaral. Ang pagbabago ng Ospital, at ngayon ay tinatawag na Bagong Ospital ng Mamamayan ng LSJDM. Narinig pa natin na sinabi ni Robes na, iiwanan nila ni Kong. Rida, ang kanilang posisyon na may mangyayaring maayos para Lungsod at buhay ng mga mamamayan nito.

Tsk! Tsk! Tsk! Gusto ko itong sunod na sinabi ni Mayor Robes na, kung ang dalawang paa nila si Kong Rida ay nakabaon sa putik, nais nilang maramdaman kung gaano kalagkit, kalalim at dumi nito, at sa pag-angat nila mula sa putik, ay malaman nila kung paano nila lilinisin ang putik sa kanilang mga paa at para sa paa ng mga kababayang San Josenio. Mabuhay at ARya San Josenio!

Narito po ang ating email: billones@ralo.org. Hanggang sa muli! (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous article‘LIP’ fund ng mga Kongresista saan kaya napupunta?
Next articleSaludo ako sa 10 Points Agenda ni Pandi Mayor Roque
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here