Home Kakampi Ng Masa Kooperatiba, tumatanggap ng sanla sa hindi awtorisadong tao

Kooperatiba, tumatanggap ng sanla sa hindi awtorisadong tao

273
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA lodi, maituturing na mga henyo ang mga opisyal at empleyado ng isang kilalang kooperatiba sa bayan ng San Ildefonso sa lalawigan ng Bulacan.

Sino po ba ang nangangasiwa at nagpapatupad ng batas ng isang kooperatiba?

Masyado ang talino ng nasabing kooperatiba na matatagpuan po diyan sa Barangay Malipampang, sa bayan ng San ildefonso.

Mantakin nyo mga ’igan, may isang pangyayari sa kooperatiba na may pangalang Holy Rosary Development Coop.

Na ang isang titulo ng anyong lupa ay na isanla ng isang guro na malupit pa sa sindikato ang husay sa panggugulang sa kapwa nito tao.

Nakakabilib mga ’igan, kung paano ni ma’am nagawang maisanla ang dokumento ng lupa ng mag-asawang Rolando at Epifania Dela Cruz.

To cut the story short mga suki, matalik na magkaibigan ang mag-asawa at itong si ma’am.

Kaya walang kagatul-gatol na ipinahiram ng mag-asawa sa nasabing guro ang nabangit na dokumento.

Subali’t lingid sa kaalaman ng mag-asawa na sa paglipas ng ilang buwan ya magagawang maisanla ang titulo ng kanilang lupa.

Ang matindi po dito, naisanla ang titulo ng hindi man lamang nalaman ng pamilya Dela Cruz.

Kaya nagulat at nalaman nila ang iligal na transaksyon ng dumating umano sa kanilang bahay ang isang liham na nagsasabi na kailangan na nilang magbayad sa naturang kooperatiba.

Kung nagawa ng guro ang lahat ng ito ay nakakaalarma po dahil hindi na dumadaan sa CI ang kanilang mga kliyente.

Sobrang talino nasman ni ma’am dahil nagawa nyang isanla ang hindi naman nya pag -ari na tulad nito.

Sa ganitong sitwasyon at maaari pang maulit ito sa iba kaya dapat ho kayong mag ingat at iwasan n’yo ang ganitong klaseng tao.

At sa pagkakataon na ito malinaw pa sa ihi ng manok na may kasabwat si ma’am sa naganap na pamemeke ng mga lagda ng may-ari ng titulo ng lupa.

Tsk… tsk… tsk… Dahil sa umanoy pakikipag kutsaba ng kooperatiba sa  maimpluwensyang teacher, malaya nitong naisanla ang hindi naman nya pag -aari.

Sa puntong ito malaki ang pananagutan ng kooperatiba.

Bagama’t nangako ang Holy Rosary Cooperative na ibabalik ang titulo ng lupa sa tunay na may-ari matapos ang sampung taon na pagdinig sa kasong isinampa laban guro na si Gumafelix.

Mga igan, sa kabila po ng mga pakikipagkasundo ng pamunuan ng kooperatiba sa pagbabalik ng titulo sa may ari, hindi nangangahilugan na ligtas na sa pananagutan ang pamunuan ng kooperatiba dahil malinaw na may nilabag na batas ang mga opisyal nito.

Kaugnay po sa pagtanggap ng sanla mula sa indibidwal na  responsable sa paggawa ng pekeng dokumento.

Kung ganito ang sistema, maaaring masundan pa ito ng kahalintulad na sitwasyon.

Dapat papanagutin ang mga opisyal ng kòoperatiba na  sangkot sa iregularidad o sablay na transaksyon.

 

*****

Illegal quarry sa bayan Angat, protektado ng mga barangay officials?

Nakalulungkot mga suki dahil sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa pagwasak ng kalikasan saan man sa bansa ay nananatili pa rin ang pagkasira dito.

Partikular sa bayan ng Angat sa Lalawigan ng Bulacan, laganap pa rin mga ’igan ang operasyon ng illegal quarry maging sa mga bayan ng Pandi, Santa Maria, Norzagaray at sa ilang mga liblib na lugar sa syudad ng San Jose del Monte.

Nito lamang nakalipas na Linggo, nagpunta sa tanggapan ng Bulacan Environment and Natural Resources (BENRO) ang isa sa mga residente ng Angat at inerereklamo ang paghuhukay ng magandang kalidad ng graba at buhangin ng isang maimpluwensyang operator ng legal daw na quarry.

Hindi umano pinansin ang reklamo ng ale sa halip ay ipinagmalaki ng Benro na may permit daw ang inerereklamong quarry operator na nangangamkam ng mineral.

Pero ang masakit mga suki, sa halip na doon lamang sa quarry site niya maghukay ang makapal ang mukha na operator na umano’y protektado ng ilang tiwaling kawani ng BENRO.

Subalit bakit nga ba mga suki namamayagpag ang illegal quarry sa lalawigan.

Protektado rin daw ng ilang mga barangay officials ang illegal quarry operation sa iba’t-ibang mga lugar.

Kaibigan kaya nga bang kastiguhin ng mga local government units ang mga makakapal ang mukha na negosyante na patuloy na sumisira sa kalikasan?

Maaari din namang nagbubulagbulagan na lang ang BENRO at DENR dahil kailangan sa nalalapit na Halalan.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here