Home National News Korean national natagpuang nakabigti sa inuupahang silid

Korean national natagpuang nakabigti sa inuupahang silid

954
0
SHARE

BLANGKO pa rin hanggang sa ngayon ang pulisya sa dahilan ng pagkamatay ng natagpuang patay at nakabigting Korean national sa loob ng inuupahan nitong silid sa isang hotel sa Pasay City Biyernes ng hapon.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang naturang banyaga na si Lee Chang Young, nasa hustong gulang, pansamantalang nanunuluyan sa naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga imbestigador ng SPD, dakong ala-1:45 ng hapon ng madiskubreng wala ng buhay habang nakabigti si Young sa loob ng Room 933 kung saan ito naka check-in sa Okada Manila Hotel sa naturang lungsod.

Pinaniniwalaan na posibleng nagpatiwakal ang nasabing Koreano dahil nadatnan na itong patay habang nakabigti sa loob mismo ng kuwarto nito.

Nabatid, pa na bago nagpatiwakal umano ang banyaga ay ilang araw na ito nakitaan ng pagkamalungkutin ng kanyang mga kalapit kuwarto sa di malamang kadahilanang pansariling problema sa buhay.

Gayunman, patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa nabanggit na insidente upang mabatid kung may naganap bang foul play sa naging sanhi ng pagkamatay ng dayuhan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here