Home National News Koreana, ‘nilamon’ ng dagat sa Boracay

Koreana, ‘nilamon’ ng dagat sa Boracay

78
0
SHARE

BORACAY — Wla ng buhay ang isang isang babaing Korean National matapos itong malunod sa dagat malapit sa baybayin ng Station 3, Brgy. Manocmanoc sa Isla ng Boracay kamakailan.

Nakilala ang biktima na si Jeyoung Kim, 31-anyos, pansamantalang nanunuluyan sa Ocean Club Resort sa nasabing isla.

Batay sa paunang imbestigasyon, isang babaeng Russian National ang nakakita kay Kim na lumulutang sa tubig tatlong metro mula sa kinaroroonan nito.

Una ay inakalang lumulutang lamang ang biktima kung kayat binalewala niya ito subalit napansin niya na ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ito gumagalaw.

Dito na humingi ng saklolo ang banyagang tourist sa iba pang mga taong naliligo roon.

Sinubukan pang i-revive ng isang Swedish national ang biktima sa pag-CPR nito subalit hindi na ito nakitaan ng pulso hanggang ideklara na itong dead on arrival sa ospital.

Source: Remate Online News

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here