Home National News Koreanong ‘lubog’ sa utang, nagbigti

Koreanong ‘lubog’ sa utang, nagbigti

561
0
SHARE
ISANG Korean national ang nagbigti sa sarili dahil sa laki ng pagkakautang kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Kinilala ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), ang biktimang si Tae Hyun Kim alyas ‘Hero’, 35-an­yos, binata, at nanunuluyan sa No. 805 Eche­lon Tower, Mabini St., Malate, Maynila.
Alas-7:14 ng gabi nang matagpuan ng housekeeper na si Olivia de Paz ang biktima na nakabitin sa pintuan ng master’s bedroom.
Nabatid na maglilinis sana si De Paz sa kuwarto ng biktima at dahil regular housekeeper ay gumamit ito ng master key upang makapasok sa tinutuluyan ni Kim. Pagbukas ng pintuan ay tumambad ang biktima na nakabigti.
Nag-iwan naman ang biktima ng suicide note sa salitang Korean na isinalin naman sa Tagalog na nagsasaad na siya ay nagka-casino at may malaking pagkakautang sa tiyuhin at iba pang mga kaibigan. Humingi rin ito ng tawad sa kanyang ina sa kanyang nagawa.
Ang biktima ay halos isang taon na umanong nagtatrabaho sa bansa sa KTV ng Ambassador Hotel.
SHARE
Previous articleSM Bulacan malls participated on National Earthquake Drill
Next articleKa Eduardo Manalo, OFW envoy ni Duterte
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here