Korina sinabihang ‘bobo’ at ‘idiot’ ang netizen

0
132

NAGALIT si Korina Sanchez at nakapagsalita ng hindi maganda sa isang netizen na binash ang photo ng asawang si Mar Roxas kung saan kasama nito ang anak nilang kambal, Pepe at Pilar.

Ayon sa basher, in-edit daw ang photo ng kanyang former politician na mister para raw magmukhang gwapo, pero ang kinalabasan ay kamukha ni President Barrack Obama. Sabay na pinagtatawanan nito ang picture.

“Grabeee naman maka-edit nagmukha na sya ni pres obama hahaha”

Lumabas ang pagkaprangka ni Korina at sinagot ang basher. Hindi rin niya napigilang magsalita ng hindi maganda.

Tinawag niyang ‘bobo’ at ‘idiot’ ang basher.

Sey ni Koring: “What thebhell@are you talking about? Bobo mo naman mag-troll! Get lost idiot!” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here