Home Showbiz Kris Aquino bumalik na sa dating home studio

Kris Aquino bumalik na sa dating home studio

154
0
SHARE

UNA nang nasulat namin nu’ng maging co-manage ni Kris Aquino ang Cornerstone Entertainment na daan na rin ‘yun ng pagbabalik-Kapamilya ng TV host-actress.

Hindi kami nagkamali dahil last April 20 ay pumirma na ng kontrata ang Queen of All Media at Social Media Queen Online ng one-picture sa Star Cinema.

Makakasama ni Kris sa movie ang JoshLia loveteam (Josh Garcia at Julia Barretto). Ayon kay Kris natutuwa siya sa dalawa dahil super authentic daw ang mga ito. Ang title ng gagawin nilang movie, I Love You.

Ayon pa sa TV host-actress napanood niya ang pelikula ng JoshLia ang Love You To The Stars and Back. Naiyak nga raw siya ‘yung nag-collapse si Joshua sa banyo. Hanga rin siya sa young actress dahil napakahusay raw nitong umarte.

Samantala, may higing kami na hindi lang sa Star Cinema makakapagtrabaho si Kristeta. Nakikinita namin na muling magkakaroon ng sariling TV show ang number TV host ng ABS-CBN. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleFilipino sensation KO’s Frenchman for IBO world title
Next articleAnne Curtis at Karylle ‘inisnab’ ang kasal nina Billy at Coleen
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here