Home Showbiz Kris Aquino nag-react sa mensahe ni Mariel

Kris Aquino nag-react sa mensahe ni Mariel

41
0
SHARE

ISA ang mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa mga naimbatahan para sa thanksgiving dinner ng Malacanang na ginanap kamakailan.

Sa kasiyahan ng ‘It’s Showtime’ host ay ibinahagi niya sa kanyang social media account ang eksperyensyang naranasan sa nasabing gathering.

Mahaba ang mensaheng shinare ni Mariel sa kanyang Instagram post.
Very thankful niyang pinasalamatan ang First Family lalung-lalo na ang Presidente.

Ani Mariel, hindi lang daw si Pres. Rodrigo Duterte ang unang presidente na kanyang in-endorso, pero siya lang daw ang presidenteng nag-invite sa kanya na pumunta ng palasyo para sa epesyal na okasyon.

Aniya: “A memorable evening for me courtesy of President Rodrigo Roa Duterte and First Lady Honeylet… The room was filled with celebrities who supported him both silently and openly. “Yung loyalty ni Robin kay President ay hindi sayang because it is reciprocated with kindness. Truly a memorable evening!!!”

“Side kwento: I didn’t know hindi pala pwede naka sleeveless… I had to cover my beautiful Carolina Herrera dress…”

Dahil sa mensahe ni Mariel ay nagreact si Kris Aquino dahil pakiramdam niya ay na-guilty siya dahil hindi naimbitahan ang mahusay na TV host nu’ng nagbigay ng thanksgiving party ang kapatid niyang si former President Noynoy Aquino.

Noon kasi ay sinuportahan din ni Mariel ang kapatid ni Kris.

Sa post ng Queen of All Media para kay Mariel, “Hi Ma… it’s those human gestures of saying THANK YOU that matter… nahiya ako that hindi ka na-invite for a proper thank you celebration (I am keeping my fingers crossed at some point you did receive flowers?)”
Sinabi rin ni Kris na may side story din siya ng nakatatawa.

“There was a lunch for an ASEAN head of state and invitation said business attire. Napagalitan ako because I think I wear a skin baring outfit nasabihan ako na ‘don’t you read na ‘business attire?’ I said yes, in our industry, ito ang business attire so don’t sweat it. I broke that business rule countless times, nag-backless, nag-halter, nagplunging ako (smile emoji).”

Nag-reply naman si Mariel kay Kris. “@krisaquino Hi ate!!! No I didn’t flowers maybe because I was married na hehehe… but my friendship with you is more than enough… hehehe bawal pala skin baring.” (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAngelica Panganiban, namamayat?
Next articleJanno Gibbs pinaalalahanan ang mga Pinoy voters
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here