Home Showbiz Kris sinabihang may IQ deficiency ang basher

Kris sinabihang may IQ deficiency ang basher

13
0
SHARE

IMBYERNA si Kris Aquino ng tawagin ng basher na Bimbo ang anak nitong si Bimby.

May post ang netizen na si @ador_alaskador “@krisaquino Sayang talaga si Bimbo! ‘Pag sa tatay nya lang lumake for sure naging athletic n more on lalake mentally. Ang hinhin ngayon pag lumalakad at kumilos at magsalita para chismosa na tamad. Sayang talaga!”

Sagot ni Krissy sa mapanghamong post, ‘@ador_alaskador You seem to want a fight, so straight to the chin, okay? Hindi sayang ang batang magalang at matalino. Mess with me directly please because obviously ‘yung pagiging nanay ko ang hinuhusgahan mo. So here’s my answer… you are not in my league, earn the right first to be in my feed.”

Nagbiro pa si Kris na ‘hindi mo ko na-Alaska, Alpine n Angel kami eh (referring sa mga canned milk).’

Ayaw pa ring tumigil ng alaskador guy dahil sadya namang good boy si Bimby, pero physically weak daw eto dahil sa lifestyle na ibinigay ni Kris sa anak na dapat ay sa kanya lang at hindi ang boyhood life ni Bimby.

Pinagsabihan pa niya si Kris na pinaikot daw niya si Bimby sa kanyang diva lifestyle na hindi raw dapat. Ang ginawa raw sana ni Kris ay normal boy’s life hood ang pagpapalaki niya sa anak para raw hindi lumaking lalamya-lamya si Bimby.

Ginatungan pa ni @ritzputterill na ‘I agree with you. I’m bothered walang interaction si Bimbo sa mga ka-edad nya kasi home schooled siya. He should be with people his own age. He shld be doing sports in school, etc.’
Iritable na si Kris, at sinabi nitong ‘@ritzputterill He’s name isn’t Bimbo. And ma’m spare yourself please from stressing about our life – you don’t see pics of him w/ friends but does that really mean he has none? You only see what we’ve let you see.

Bandang huli binalikan ni Kriss si alaskador guy at sinabi niyang ‘Just trying to be helpful… Your IQ seems to deficient (with emoji) Pleasant Dreams from the mother who seems to be bothering you tremendously.’

Isang netizen naman ang nagsabing, hindi raw siya fan ni Kris “pero saludo ako sa knya for raising her kids properly. Pwedeng pwede ko siya kwestyunin sa pagiging maarte or o.a but not her being a mom.”

Totoo naman na bilang single mom ay napalaki ni Kris ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby na mabubuti at magagalang na mga anak. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleVice Ganda, pilosopong sinagot ang ‘statement’ ni Sen. Sotto hinggil sa SOGIE
Next articleSue Ramirez umaasam na magkakabalikan sila ng bf
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here