MAY collaboration sina Herbert Bautista at Kris Aquino na nagpakilig sa mga umaasa noong magkakatuluyan ang dalawang prominenteng tao.
Sa one-on-one na pag-uusap ng dalawa tingin ng mga netizens ay in love pa rin si Bistek kay Kristeta gayun din daw ang huli.
Tinawag nilang “KrisTek” ang pagsasama ng dalawa.
In-upload Ang collab nina Bistek at Kris ay naka-upload courtesy sa Cornerstone Entertainment Inc.
Ang caption ni Kris sa video, “7 years after… #friendzone”
Parehong nagtatanungan ng iba’t ibang tanong ang bawat isa tungkol sa love at mga bagay bagay ng mga taong may relasyon. (RONDA BALITA Online)