Home Showbiz Kris umalma sa ‘biro’ ni Bong Go

Kris umalma sa ‘biro’ ni Bong Go

40
0
SHARE

SINO bang ina ang hindi masasaktan kung ang anak ay ginagawang katawa-tawa sa harap ng maraming tao.

Nagamit ang pangalan ni Kris Aquino nang gawing joke ang nakaraan nila ng actor na si Phillip Salvador kung saan biniyayaan sila ng anak sa katauhan ni Joshua sa nakaraang kampanya ng senatorial candidate na si Bong Go.

Pumalag ang Queen of All Media sa campaign speech ni Go. Foul nga naman na gamitin mo ang pangalan ng ibang tao lalo na’t hindi naman tumatakbo ang TV host actress sa pulitika.

Sa pinakitang video sinabi ni Go na niloko ni Phillip si Kris. Na-offend si Kris at nasaktan sa ginawang pagbibiro ng senatorial candidate ng nakaraan nila ng actor.

Ayon pa kay Kris bakit kailangang gamitin at gawing biro sa pangangampanya ang namagitan sa kanila ng actor. Wala naman daw siyang sinasabing masasamang salita against Go.

Mas lalo siyang nasaktan dahil hindi lang ang kalagayan niya ang nakanti ng senatorial candidate kundi maging ang ibang kababaihan na naloko naging single mom at inabandona ng mga ama.

Aniya sa kanyang social media account, “So much hurt deeply in the past few days. i was shown this video while in and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko- panindigan mo na good sport ka… i was doing a #konmari on my phone & lumabas yung video…pinanuod ko ulit.

“Yun ang pagkakamali ko, may black eye nung Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga ‘naloko’ ako.

“Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. i have only had good words for you pero sana sa paglilingkod nyo para sa mga Pilipino bilang Senador (I know you are a SURE WINNER), sana priority nyo rin po ang mga kababaihan. Kris Aquino na ko pero madaling gawing ‘joke’ na ‘naloko’ ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?

“Sorry ha- minalas- nandun kasi yung ‘NALOKO’… nakadapa na po, nung pinanuod ulit at narinig yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya.”

May katotohanan ang sinabi ni Kris. At hindi rin maipagkakailang napalaki niya ang anak na mabuti kung tutuusin isang halimbawa si Kris para sa mga single mom. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMonsour ‘threat’ sa runningmate ni Mayor Abby
Next articleJames at Moira, walang ‘K’ para maging hurado ng ‘Idol Philippines’
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here