Home El Tirador Krisis sa baha sa ’Pinas, disisplina, pagkakaisa at pagtutulungan ang solusyon

Krisis sa baha sa ’Pinas, disisplina, pagkakaisa at pagtutulungan ang solusyon

226
0
SHARE
An opinion column of Roberto Illut

“ANG mabigat gumagaan, kapag napagtutulungan,” ang wika nga ng isang Pilipinong salawikain hinggil sa kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa patuloy na ikauunlad ng ekonomiya ng ating bansa, ng ating barangay o pamayanan ay napakalaking bahagi ng magandang pag-uugali ng isang mabuting mamamayang Pilipino.

Isang mainam na halimbawa ng pagmamalas ng pagiging tunay na makabayang Pinoy o totoong nagmamahal at nagpapahalaga sa ating minamahal na bansa ay ang masaksihan na nagkakaisa tayong lahat na kapwa kababayan ko sa pagbalikat para mapaayos, mapaganda at mapaunlad ang ating bayan, gayundin, ang makatulong sa paglutas ng kinakaharap na mga suliranin nito.

Pangunahin na sa matagal na at palagi na lang kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang hindi matapos-tapos na problema sa baha lalo na sa Kalakhang Maynila.

Bakit ikamo? Eh… grabeng barado lang naman ang mga imburnal, kanal o daluyan ng tubig sa napakaraming lugar sa mga kalunsuran maging sa mga lalawigan. Kung gayon bakit mga barado ang mga imburnal o kanal sa maraming barangay? Eh… kasi walang habas sa kaliwa’t kanang pagtatapon ng samu’t saring basura ang napakarami nating mga pasaway na ka-Pilipino! Kahit nga ng mga de kotse eh… asus maryosep eh.. tinatapon yung stick ng sigarilyo o kinain na pinagbalutan ng burger o pinag-inuman ng mga disposal cups o pakete ng mga depasosyal na drinks!

Lumalala rin ang baha sa mga kalsada dahil sa marami ring pasaway na mga lokal na gobyerno at pampamahalaang barangay na hindi inaaksyunan ng mga ito na ipahakot ang mga sandamak-mak at nangangalingasaw na basura sa mga lansangan gayung milyun-milyong piso lang naman ang pondo nyo para sa mga kinokontratang trak ng basura!

Pansinin nio lang ang kahabaan ng daanan sa may North Harbor sa lungsod ng Maynila! Naku!!! Grabe!! Sobrang baho dahil sa gabundok at napakaraming nagkalat na mga basura mula sa tulay maging sa kahabaan ng island hanggang sa mga poste ay OMG!

Nakakasuka talaga sa sobrang baho, kawawa naman ang mga pumapasok sa trabaho at eskwela na habang nakasakay sa pampasaherong jeep eh nagkadikit na sa kanilang mga uniporme ang mabahong amoy ng basura!

Pabigat din sa problema sa baha ang may 50,000 illegal dwellers sa tabing ilog at ang maraming establisyamento sa Metro Manila tulad ng palengke, mga fastfood chain, restaurant, karinderya, sari-sari store, mga nagtitinda sa bangketa, mga iba’t ibang uri ng pagawaan ng siomai o kakanin, semento na ikinakalat lang sa mga kalye o kaya direktang inihuhulog sa kanal ang kanilang mga basura imbis na isagawa ang “Waste Segregation System”.

Kaya, mga kapwa kababayan ko! Para sa ikasusulong at ikaayos talaga ng ating minamahal na bayan ay ating pairalin at tunay na magsimula sa ating mga sarili ang disiplina, pagkakaisa at pagtutulungan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here