Home Lady Gaga ‘Krung-Krung,’ umaarangkada; Tama na, sobra na

‘Krung-Krung,’ umaarangkada; Tama na, sobra na

37
0
SHARE

TILA yata nahihibang na itong isang empleyado ng Kapitolyo ng Lalawigan ng Bulacan sa kanyang posisyon. Masyadong naging mataas ang lipad nito.

Ultimong kapwa niya empleyado ay pinag-mamataasan at kapag hindi sumunod sa kanya ay ginagawa niya ng paraan para matanggal.

Aba, lekat ka ayaw ni Lady Gaga ng ganyan, kahit muling nanalo ang amo mo ay huwag mo itong hatakin pababa. Ang Boss mo lingkod bayan ikaw lingkod ng kademonyuhan.

Ayon sa mga nakarating sa aking sumbong, kahit daw yung lumaban ng konsehala ay niratratan mo. Wow, kakaiba ang nalalaman mo at mukhang nalango ka na sa iyong posisyon.

At kung may humihingi ng tulong gaya mga gamot, pinansyal na naibigay na sa iyo, pero pinagtatagal mo at nag-tuturo ka kung sino may kasalanan at take note, yun binibigay na cash ay kinakatkong mo pa. Hahaha!

Sa aking palagay ay marami ka ng naipon. Marami ka nang pinahirapan na mga indigent. Bakit ganon ka KRUNG KRUNG. Wala ka na bang puso o binigay muo na kay Zuma, suma-impyerno na ang iyong kaluluwa.

Tumino ka na KRUNG KRUNG at tuturuan ko ang mga may galit sa iyong mga indegent na mag- alsa sa harap ng kapitolyo pra masipa ka na ng palabas.

Huwag kang mag-sungit sa mga bomoto sa boss mo kung hindi dahil sa botante wala ang amo mo sa posisyon at lalong wala ka. Gaga!

Dapat dito sa mga empleyado ng Kapitolyo ay magiliw, magalang lalo na sa mga senior citizen. Huwag susungitan at hindi yan lalapit at mag titiyagang humingi ng tulong kung meron naman sila. Hindi ko nilalahat. Sana lang huwag silang mag-ala KRUNG KRUNG. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here