Home EXTRAFONTS Kumbinyenteng biyahe sa P2P bus

Kumbinyenteng biyahe sa P2P bus

20
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

NAGSAGAWA kamakailan ng inaugural trip sa kanilang terminal sa Primark mall, sa bayan ng Plaridel sa Bulacan ang Premium Point-to-Point buses at kasunod niyon ang regular na araw-araw nang pagbiyahe ng naturang mga bus mula Plaridel hanggang Trinoma sa Notth Avenue, Quezon City.

Dahil ako ay isa rin naman sa maraming pasahero na paminsan-minsang lumuluwas patungo ng Metro Metro Manila, para sa akin ay malaking kaginhawahan ang naidudulot sa mga pasahero ng serbisyo ng P2P bus.

Bakit? Kung naranasan ninyong mag-abang ng pampasaherong bus noong wala pang ruta ang P2P buses sa Bulacan, swerte ka kung may aabutan kang bakanteng upuan sa bus na iyong sasakyan na biyaheng Cubao.

Dalawang dekada akong naging empleyado ng iba’t ibang pahayagan sa Maynila at naranasan ko ang pagluwas ng araw-araw. Dahil 7-days a week ang pasok sa news publication na aking pinapasukan, araw-araw din akong nag-aabang ng bus na nanggagaling ng Cabanatuan o Baliwag. Kaya lang ako nakauupo ay kung may pasaherong bumaba sa Sta Rita, Guiguinto at sa tapat ng kinatatayuan ko mismo ang upuan ng bumabang pasahero.

Sabi nga ng ilang pasahero na aking nakausap, mula raw ng magkaroon ng paghihigpit sa mga provincial bus na bumibiyahe ng Cubao o Pasay man, hindi na raw sila nakabababa sa North Avenue sa tapat ng SM North Edsa dahil sa mga terminal ng provincial buses na ibinababa ang lahat ng pasahero.

Kaya kung ikaw ay sa SM North lamang pupunta, ay sa bus terminal ka ibaba ng bus na iyong sinakyan. Kailangang sumakay ka ulit ng city bus pabalik naman ng SM North EDSA. Dagdag gastos sa pasahe ay naabala ka pa.

Kaya kahit medyo mataas ang singil sa pasahe sa P2P bus, dito na ako dahil komportable kang nakaupo hanggang doon sa Trinoma. Hindi ka maiirita sa pagbaba ng bus dahil wala ni isang pasahero na nakatayo sa pagitan ng hilera ng nga upuan at talagang sitting capacity lang sa P2P bus. Walang tayuan tulad sa karaniwang passenger bus.

Kaya ang mga trabahador sa aming bayan ay hindi na nahihirapang sumakay ng bus paluwas dahil naroon lamang sa Primark mall sa Plardidel ang terminal ng P2P bus. 4:30 am ang kanilang unang biyahe at 7:30 naman ang last trip.

Sa isang bansa na hinahabol ang kaunlaran ng mga bansa sa Asya na naunang umunlad, ang Pilipinas ay nasa gitna na pa lamang kung bahagdan ng kaunlaran ang pag-uusapan. Masyado pang malayo para mapantayan natin ang progresong tinatamasa ng Japan, South Korea, Singapore at ng iba pang mayayamang mga nasyon sa Asya. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSilang magagaling na alkalde
Next articleLSB mula sa lokal na Pamahalaang Bayan, nauulat ba ito?
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here