Home Pilantik Kung ayaw sa paupo daanin sa patayo!

Kung ayaw sa paupo daanin sa patayo!

11
0
SHARE

SA totoo po ay napahirap ang katayuan ng isang mamamahayag lalo na po sa isang kolumnistang katulad ko na palagi na lamang takbuhan ng mga taong may problemang dinaranas, laging kinukulit ng mga kapatid nating nasa hindi maayos na sitwasyon.

Mga pangungulit at pakikiusap na sa totoo lang ay masasabi nating nasa tamang katuwiran lalo’t nabibingit na ang mga ito sa sitwasyong hindi na hindi katanggap-tanggap sa dahilang nakabingit na at nakasalalay ang kanilang kaligtasan.

Kaligtasan ng kanilang pamilya sa mga pangyayari at kaganapan sa ating kapaligiran na di malayong maging sanhi ng pagkakasakit na di malayong humantong sa dagliang kamatayan. Mga problemang masasabing PASANG KRUS na kanilang dinaranas araw-araw dahil sa kawalang aksyon ng mga taong dapat sana ay laging naroroon at tumutugon sa bawat suliranin na sa kanila ay palaging humingi ng aksyon at sulusyon.

KALINISAN, di po ba ito ang kauna-unahang dapat bigyang pansin at pag-ukulan ng panahon ng mga taong halal ng bayan at ng mga opisyal ng pamahalaan, higit sa lahat ay ng mga opisyales ng pamahalaan na tagapangasiwa ng kaakyusan at kalinisan ng ating kapaligiran na dili’t iba kung di ang Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Sa napakaraming reklamo na idinaing at inilapit kay PILANTIK na may kaugnayan sa kalinisan na atin namang idinulog ng PAULIT-ULIT sa nasabing KAGAWARAN maging sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan, IPINAGKIBIT-BALIKAT lang nila at ipinagwalang-bahala ang lahat ng mga hinaing ng ating mga kababayan.

Naging mga bulag at bingi silang lahat sa dahilang hindi ko pa masiguro ang tunay na kadahilananna di malayong NAGKALAGAYAN at MARAMING LABI ang NAMATIKAAN.

Hindi ko sinasabi na ganyan nga ang nangyari, subalit batay sa aking kaalaman at karanasan, ang pagsasawalang-bahala, sabihin na nating si Mayor at ng ilang kawani ng DENR, ang aking kutob at hinala ay malapit sa katotohanan.

Ang nakasusulasok na baho ng basurahan sa Brgy. Longos at ang sinalaulang Sapa sa Brgy Tinejero at Poblasyo ng Pulilan dito sa Lalawigan ng Bulacan, di ko na yata mabilang sa aking mga daliri kung makailang beses ko nang ipinaabot sa lokal na pamahalaan maging sa kagawaran ng DENR dito sa Lalawigan na kahit katiting na pansin kung maaari ay tapunan o pag-ukulan man lang, subalit puro PANGAKO at tengang kawali asa pakiusap ni PILANTIK at ng taumbayan.

DENR Sec. Roy Cimatu, ano bang klaseng mga tauhan ng inong kagawaran itong naririto sa aming lalawigan? Ano ba naman yan, subukan mo namang mag-ikut-ikot sa bawat sangay ng iyong kagawaran at hindi iyang wala ka na yatang pinag-iisipan kung di ang pagkakaperahan.

Hindi ka ba nahihiya sa mga taong pananggagalingan ng iyong suweldong hindi mo pinaghihirapan dahil nangingitlog ka lang diyan sa iyong upuan. Sir Cimatu, tablan ka naman ng kahihihiyan o sadyang wala ka kahit katiting man lang.

Marahil ay alam ninyo na ang lahat ay dinaan ko na sa SANTONG DASALAN subalit puro kayo naging MANHID at BINGI. Hindi kayo makuha sa paupo kaya subukin natin sa patayo.

Pasensiya na at trabaho lang at tungkulin sa bayan! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here