Kung bakit kasi bawal ang mga ‘backride’?

0
560
An opinion column by Rolando S. Gamoso

DITO sa Ilocos Sur, maraming residente ang humihiling na sana’y payagan na ang mga backrider na sumakay ng motorsiklo lalong-lalo na ang mga araw-araw na pumapasok sa trabaho dahil araw-araw silang namamasahe sa tricycle.

Oo nga naman. Sabihin na nating may single motorcycle sila sa bahay pero hindi naman siya marunong magmotor at hindi rin puwedeng ihatid ng mga marunong magmotor na kasama niya sa bahay kaya ang tanging pagpipilian lang niya ay ang maglakad papunta sa work o mag-arkila ng tricycle.

Kung P30 ang kanyang pamasahe sa pagpunta sa kanyang work at mamamasahe uli siya ng another P30 sa kanyang pag-uwi after work, bale P60 iyan na nakakaltas sa kanyang sahod araw-araw. Paano na lang kung sumasahod siya ng mga P200 kada araw? Malaking kabawasan din iyan, ‘di po ba?

Tulad ng mga ibang nagtatanong, hindi ko rin lubos maisip kung ano ang ‘logic’ at bakit kailangang ipagbawal ang mag-asawa o ang dalawang miyembro ng pamilya na sumakay sa iisang motorsiklo.

Ito ay dahil sa tinatawag nilang social distancing. Bakit may social distancing? Para hindi daw magkahawaan. Para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Kunin po nating halimbawa ‘yun mag-asawa. Bakit hindi sila pwedeng sumakay sa iisang motor lalo pa’t maghahatid lang naman ‘yun isa?

Social distancing? Ha ha ha. Kapag sa loob ng bahay, magkatabi at magkasama sila pero sa mga public places, 1 meter away?

Kung titingnan nating maige, mas expose pa nga sa COVID-19 ‘yun tao sa pagsakay-sakay niya ng tricycle papunta at pauwi mula sa work kaysa doon sa inihatid siya ng kanyang mismong kapamilya.

Bakit ko po nasabi ‘yan? Aba’y simple lang mga ‘igan. Isipin ninyo ito. Bago siya sumakay sa tricycle, mga ilang pasahero na kaya ang sinundan niya bago siya ang naging pasahero nito sa araw na iyan? What if… take note of the word IF, mga ‘igan. What if sabihin na nating may nakalusot na pasahero na positibo sa virus na mas naunang inihatid ng tricycle? At dahil ang buong akala naman ng driver ay walang problema sa mas naunang pasahero kaya hindi na siya nag-disinfect ng kanyang tricyle. So, sino ngayon ang apektado?

Samantalang kung aangkas siya sa motorsiklo, alam niyang galing mismo sa bahay nila ang sasakyan at kasama pa niya sa bahay ang nagmamaneho, kaya mas nakatitiyak siyang mas ligtas siya na mahawaan ng virus. Maliban diyan, siguradong makatitipid pa siya ng pamasahe.

Sa ngayon ay wala pang aksyon si Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson kung maglalabas ba siya ng Executive Order para dito o hindi.

Ang mga ipinapatupad kasing guidelines sa Ilocos Sur ng ating masipag, mabait, at matulungin na Governor ay nakabase sa guidelines na ipinatutupad ng COVID-19 National Inter-Agency Task Force para sa mga lugar na nasa General Community Quarantine.

Hintayin natin kung may magaganap na pagbabago tungkol dito sa mga susunod na araw.

Abangan! (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here