Home Showbiz Kung handa na siya ZANJOE MARUDO GUSTONG MAGING GF SI BELA...

Kung handa na siya ZANJOE MARUDO GUSTONG MAGING GF SI BELA PADILLA

105
0
SHARE

 

MATAGAL na rin namang single ang actor na si Zanjoe Marudo. After ng kanilang relasyon ni Bea Alonzo ay wala pa uling naging girlfriend ito.

Sa ngayon ang inili-link sa actor ay ang isang actress na single rin dahil break na sila ng businessman-boyfriend, si Bea Padilla. May pagkakahawig si Bea kay Bela kung saan nagkasama ang dalawa sa My Dear Heart.

Naging maganda ang rapport nina Bela at Zanjoe kaya naging close sa isa’t isa ang dalawa.

Kahit tapos na ang teleseryeng My Dear Heart aminado naman ang dalawa na constant pa rin daw ang kanilang communication.

Sabi nga ni Zanjoe sa interbyu ng King of Host na si Kuya Boy (Abunda)  “I’m single but not available. Sinabi pa niyang mabuting-mabuting magkaibigan sila ni Bela.

Eksplenasyon ng actor sa single siya pero hindi na available ay eto: “Yung sitwasyon ko ngayon sa buhay, hindi ko masasabing available ako pumasok sa isang relationship kasi magiging unfair ako kung sino man ang girl. Kasi yungcommitment na kailangan kong ibigay, na deserve ng bawat babae, hindi pa ito ang tamang panahon.”

Tanong ni Kuya Boy kung ready na ba siyang magkaroon muli ng girlfriend si Bea raw ba ito? Mabilis ang sagot ni Zanjoe. Aniya: “Kung handa siya.”

Plano na ring mag-asawa ni Zanjoe dahil tumatanda na rin naman daw siya. (RBON)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here