Home National News Kuwait Airways nangangailangan ng 200 Pinoy, sahod mula P37,000 hanggang P257,000

Kuwait Airways nangangailangan ng 200 Pinoy, sahod mula P37,000 hanggang P257,000

29
0
SHARE

ISANG magandang balita para sa mga Pilipinong nangangarap na magtrabaho sa ibayong dagat ang hatid ng Kuwait Airways dahil nag-aalok ito ng 200 airline jobs para sa mga Pinoy workers.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ang Kuwait Airways ay nangangailangan ng mga bagong kawani para sa kanilang Cargo at Engineering Departments bilang bahagi ng kanilang expansion. Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay 400 Filipino workers ang tagumpay na na-recruit ng flag carrier ng bansang Kuwait.

Magtutungo sa Pilipinas ang recruitment team ng Kuwait Airways para sa interview ng mga interesadong aplikante para sa cargo staff simula ika-15 hanggang ika-22 ng Marso. Sa ika-15 ng buwan ng Abril naman gagawin ang interview para sa mga aplikante sa mga posisyong aircraft engineers at technicians.

Ang aplikasyon para sa mga nabanggit na posisyon ay bukas sa mga babae at lalaki. Sinabi pa ni Ezz Eldin Al Hasawi, cargo deputy director ng Kuwait Airways cargo operations, na ang masuwerteng matatanggap sa kanilang cargo division ay makatatanggap ng buwanang sahod na mula P37,000 hanggang P59,000.

Posible namang sumahod ng mula P67,000 hanggang mahigit P257,000 ang matatanggap na aircraft engineer at aircraft mechanic.

Bibigyan din ng libreng food allowance, tirahan at transportasyon ang mga matatanggap na aplikante. Sagot din ng Kuwait Airways ang airline ticket pauwi sa Pilipinas ng mga Pinoy workers na makatatapos ng dalawang taong kontrata.

Hinikayat ni Arthur Catapangan, isang Pilipino na labingdalawang taon nang nagtatrabaho bilang cargo warehouse operator sa Kuwait Airways, ang mga kapwa Pinoy na subukang mag-apply dahil napakaganda umanong magtrabaho doon.

Ang mga nais mag-apply ay maaring magpadala ng kanilang aplikasyon Yaazeemir International Manpower Agency sa 4th floor, Room 405, AP Building 1563, F. Agoncillo corner Pedro Gil Street, Ermita, Manila. Maari rin silang tawagan sa mga numerong 230-3090 or 230-2514.

Source: Filipino Balita

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here