Kuya Jonathan, dinalaw ang mga kabataan naligaw ng landas sa Tanglaw Pag-asa

0
170

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Dahil sa paniniwala na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, hindi nag-atubili si Cong. Jose Antonio “Kuya” R. Sy-Alvarado na dalawin ang mga kabataang naligaw ang landas at pinagbabayaran ang mga ginawang kasalanan sa “Tanglaw Pag-asa Juvenile Center” kamakailan.

Ang mga juvenile delinquents o tinatawag na minor-aged law offenders ay nakapiit sa Tanglaw Pag-asa na matatagpuan sa bakuran ng Provincial Capitol sa nabanggit na lungsod.

Ipinaramdam ni Kuya Jonathan ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga youth in conflict with the law sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga ito kasama si Fr. Dennis Espejo at ang Caritas Dei Volunteers.

Nagsagawa rin nang inspeksyon ang batang kongresista sa kaayusan at kalinisan ng pasilidad.

Kinumusta rin ng ating Cong. Kuya ang kalagayan ng mga kabataang nasa pangagalaga ng Rehabilitation Center at inalam kung anong tulong ang kanyang puwedeng ihatid sa mga ito.

Nakatutok ang Kinatawan ng Unang Distrito ng Bulacan na si Cong. Alvarado sa pagpapatibay ng mga psychosocial at therapeutic programs upang makapagbigay Tanglaw ng pag-asa sa mga kabataan. (RONDA Balita Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here