Kuya Jonathan naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Hagonoy

0
62

HAGONOY, Bulacan — Mabilis na tinungo ni Bulacan 1st District Representative Jose Antonio “Kuya” R. Sy-Alvarado kamakailan ang mga biktima ng sunog sa Brgy. Sta. Monica sa nasabing bayan upang kumustahin ang mga ito at upang ipaabot ang kaniyang pag-lingap.

Nagdala rin ang masipag na kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng mga pangunahing pangngangailanga ng mga ka-distrito.

Agad na inalam ni Cong.Sy-Alvarado ang bilang ng mga naapektuhang sambahayan sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO).

Patuloy na nakikipagtulungan at nakikipagugnayan si Cong. Kuya sa Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang kawani ng lalawigan upang lalong maging handa ang Unang Distrito ng Bulacan sa nalalapit na buwan ng Marso ang Fire Preventation Month. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here