Kuya Jonathan, pinarangalan ng Philippine Social Media

0
70

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Dahil sa pagiging aktibo sa social media at paggamit nito bilang instrumento sa mas mabilis na pagbibigay ng tulong sa taumbayan, isang bagong parangal ang natanggap ni Congressman Jose-Antonio “Kuya” Sy-Alvarado ng Bulacan 1st District kamakailan.

Pinarangalan ng Philippine Social Media Awards 2019 ang batang kongresista na mas kilala bilang Kuya Jonathan sa Bulacan bilang Star Achiever in Public Service Excellence and Social Media Influencer mula sa Philippine Social Media Awards 2019 sa kanyang mga naiambag sa industriya.

Ayon kay Cong. Alvarado, malaki umano ang naiambag ng social media sa larangan ng serbisyo publiko para umano sa mas mabilis na pagdadala at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan.

Hiniling din ng kongresista na maging inspirasyon ito sa mga social media usher na gamitin ito sa wastong pamamaraan lalo na sa paglilingkod at pagpapa-unlad ng dakilang lalawigan ng Bulacan.

Nilalayon ng Philippine Social Media Awards 2019 na kilalanin at i-highlight ang kapansin-pansin na tagumpay ng isang tao sa kanilang mga likha, at sa mga produkto / tatak o serbisyo ng mga kumpanya na nakamit ang kahusayan sa negosyo at serbisyo publiko. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here