‘Kuya Jonathan,’ pinuri at hinangaan ng Masang Pilipino

1
464

PINURI at hinangaaan hindi lang ng mga Bulakenyo kundi ng buong bansa si Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado na tanyag sa tawag na “Kuya Jonathan” ng Unang Distrito ng Bulacan sa patas na pangangasiwa at pamumuno ng malaki at importanteng usapin ng aplikasyon ng prangkisa ng ABS-CBN.

Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado

Si Kuya Jonathan, bilang Chairman ng Committee of Good Governance and Public Accountability at Vice Chairman naman ng Committee on Legislative Franchises ang namumuno at “nagtimon” sa isinagawang sesyon sa Kamara de Representante upang mai-renew ang 25 taong prangkisa ng sikat nt TV network.

Tunay na nakabibilib si Kuya Jonathan, ang masipag at tapat sa paglilingkod sa kanyang mga kalalawigan ay laman ng telebisyon at nakikita ang angking galing at linaw sa pagpapaliwanag.

Hindi naging madali kay Cong. Alvarado ang isinagawang ilang ulit na sesyon at pag-uukol ng oras maipakita lang kung karapat-dapat bigyang muli ng prangkisa ang ABS-CBN o tanggihan na.

Pinagbigyan niya ang lahat ng miyembro ng committee na makapagbigay ng saloobin at makapagpaliwanag upang makabuo ng isang tamang desisyon.

At kung hindi sa maayos at sistematikong pag-aanalisa ng masipag na kongresista sa usapin, marahil ay hindi pa ito tapos at wala pang nailalapat konklusyon.

Buo ang naging loob ni Kuya Jonathan at walang kinikilingan sa mga naging usapin tungkol sa prangkisa. At sa botong 70-11-1 ng mga kinatawan ay binasura ng Kongreso ang aplikasyon ng higanteng network upang mai-renew ang 25-taong prangkisa.

Pero may mga taong pilit na binabaluktot ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng malisyosong konotasyon sa maliit na bahagi ng kabuuan.

Pilit na idinadawit na ang naging desisyon hinggil sa prangkisa ay one-sided at may pinaboran.

Ang malaki at importanteng usapin ng aplikasyon ng prangkisa ng ABS-CBN ay nagbunsod sa buong bansa ng pagkakabaha-bahagi at pagkakaroon ng iba’t-ibang nagbabanggaang opinyon at kuro-kuro.

Ngayon, matapos mailatag ang desisyon ng buong Kamara de Representante tungkol sa nasabing usapin, naniniwala si Kuya Jonathan na marapat na muling magkaisa ang buong sambayanan at harapin ang mga panibagong usapin sa ating bansa.

At bilang taga-1st District ng Bulacan, hindi nasayang ang boto ko at sampu ng aking kapamilya kay Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado.

Mabuhay ka Kuya Jonathan. Mabuhay ang mga Bulakenyo!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here