Home National News Kuya sinaksak si utol, patay sa Mandaluyong City

Kuya sinaksak si utol, patay sa Mandaluyong City

17
0
SHARE

MANDALUYONG CITY — Inaresto ng mga barangay tanod ang isang lalaki matapos nitong masaksak at mapatay ang sariling kapatid ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa isang inuman sa Blk. 40 Brgy. Addition Hills, Pinya St., sa nabanggit na lungsod nu’ng Lunes.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Albaran, 25-anyos habang ang biktima ay ang nakababata nitong kapatid na si John Paul Albaran, 23, parehong residente sa lugar ng nasabing lungsod.

Base sa report ni Police Senior Supt. Moises O. Villaceran, hepe ng Mandaluyong City Police Station kay Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Bernabe M. Balba dumating umano sa kanilang bahay ang magkapatid na kapwa lango sa alak at muling nag-inuman hanggang alas-6 ng umaga subalit bigla na lang nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa magpambuno at saksakin ng suspek na si Jonathan ang kapatid sa dibdib.

Naisugod pa sa Mandaluyong Medical Center ang biktima subalit namatay din habang ginagamot ayon sa mga rumespondeng doktor.

Pansamatalang nakapiit ang suspek sa Mandaluyong City Custodial Facility at nakahandang sampahan ng kaukulang kaso. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleCentral Luzon cops prepare for ‘Undas’
Next article2 pulis escort na nanira ng side mirror, sinibak sa puwesto!
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here