Kuya Wil gumawa ng studio sa Puerto Galera para sa ‘Wowowin FB live’

0
424

MISS na ni Willie Revillame ang kanyang programang ‘Wowowin’ dahil inabutan siya ng enhance community quarantine sa kanyang beach house sa Puerto Galera.

Ilang araw na si Kuya Wil ng pamamalagi sa probinsya, nakita niya ang pamumuhay ng mga tao doon lalo na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown ng buong bansa.

Nagpa-abot ng konting tulong ang Wowowin host sa abot ng kanyang makakaya.

Sa bawat na pinupuntahan nilang barangay, nakikita ni Kuya Wil ang kalungkutan ng mga tao sa kanilang mukha.

Naisip ni Kuya Wil na pasayahin kahit papano ang mga tao kaya nagpagawa siya ng mini studio sa kanyang beach house para mag-live ng Wowowin.

Nu’ng Biyernes, March 27 sa pamamagitan ng FB ay live na napanood ang programa.

May pakontes ang Wowowin kung saan nagbigay si Kuya Wil ng cash prizes at tulong sa mga nanood.

Maraming taga-suporta ng Wowowin ang napasaya ni Kuya Will. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here