Home Showbiz Kylie bitter kaya ‘dinuraan’ si Maxine

Kylie bitter kaya ‘dinuraan’ si Maxine

49
0
SHARE

SO be it. Ang tinutukoy bang blind item ni Dianne Medina sa kanyang socmed ay ang actress na si Kylie Versoza?

Ganito ang lumabas na BI sa Fashion Pulis.

‘Da who itong artista na nandura sa kapwa artista na wala naman sa script. GIRL, respect pls. Minsan lang ako status Girl, wag ang pamilya ko!’ Ang mga komento ng netizen ay masyadong given kaya tukoy agad kung sino ang pinararatangan ng Kapuso actress.

Magpinsan sina Dianne at Maxine Medina na nasa cast ng ‘Los Bastardos.’
Ani ng netizen, ‘si M yan. Usap-usapan na nga sila sa production, eh. At si K ‘yung nag-spit n jowa naman ni J.’

Ang tinutukoy na M ay si Maxine at K ay si Kylie. At ang J means Jake Cuenca na jowa naman ni Kylie.

Dati raw magkaibigan ang dalawa. Katunayan ay batchmate sila isang beauty pageant kungsaan si Maxene ang waging Miss Universe-Philippines.
Winner naman si Kylie ng Miss International-Philippines at naiuwi niya ang korona bilang Miss International 2016.

Ngayon ay parehong un-follow na raw sa socmed ang dalawang beauty queen-turned actress.

Sa ‘Los Bastardos’ ay patindi-tindi ang labanan nina Kylie at Maxine.
Ani ng netizens, pinepersonal na raw ni Kylie ang kanyang character bilang si Dulce.

Totoong selos na raw ang nararamdaman niya kay Maxine dahil napunta na ang kanyang boyfriend dito at ang rami raw kissing scene nina Maxine at Jake. “Kaya kahit wala sa script ay dinuraan nya si Maxine.

At ‘di man lang nag-sorry pagkatapos ng kanilang bangayan.

Napanood namin ang nasabing eksenang ‘yun, kaya lang ‘di na naming pinansin dahil nakatutok kami sa character ni Jean Saburit bilang si Senyora.

Halatang-halata kasi ang pagka-trying hard ng beteranang aktres sa kanyang pagkakontrabida.

Aba, maging ang halakhak ay pilit na pilit, huh!!! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAra Mina, ’di paaalisin ang pamilya ni Deborah sa kanyang condo
Next articleSecurity Bank recognized for responsible investor relations
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here