KZ Tandingan ’di nakapasok sa final ng Singer 2018

0
517

HINDI nakamit ni KZ Tandingan ang tagumpay sa Singer 2018 na ginaganap sa China. Nalaglag ang singer para sa finals via Breakout round. Ito ang kinumpira ni MJ Felipe sa kanyang Twitter account.

Katunayan na-eliminate na si KZ sa show, pero magkakaroon sana siya ng chance na makabalik sa competition via Breakout round para makasama sa pang-apat na slots sa final round.

Sad to say na hindi na-reach ni KZ ang naturang slot. Ang song na Anak ni Freddie Aguilar ang in-interprer ni KZ.

’Di man nakaabot sa final round ang singer, proud pa rin ang Pilipinas sa kanya dahil na-invade niya ang singing competition na ang mga contestant ay pawang mga mahuhusay na singer sa iba’t ibang panig ng mundo.

First time na may nakapasok na Pinay singer sa China’s Singer 2018 (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here