Home National News Lalake arestado sa mga baril, bala sa Bocaue

Lalake arestado sa mga baril, bala sa Bocaue

65
0
SHARE
Ang nadakip na suspek na si Robert Castillo Ora alias Obet sa isinagawang search warrant operation sa bahay nito sa Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan. (Larawan mula sa Bocaue PNP)

 

BOCAUE, Bulacan — Arestado ang isang 49 anyos na lalaki matapos mahulihan ng mga baril at bala sa isinagawang implementasyon ng search warrant ng lokal na pulisya sa Brgy. Batia, sa naturang bayan nu’ng Miyerkules ng hapon (Aug. 21).

Ang mga nasamsam na mga baril at mga bala kay Robert Castillo Ora ng Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan. (Larawan mula sa Bocaue PNP)

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rizalino Andaya, Hepe ng pulis ng Bocaue, kinilala ang nadakip na suspek na si Robert Castillo Ora alias Obet, residente ng nbanggit na barangay.

Narekober ng mga pulis sa bahay ng biktima ang isang caliber .38 revolver, caliber .22 rifle, 1 magazine ng M16, 1 caliber 22 magazine, 4 caliber 38 live ammunition at 20 5.56 live ammunition.

Ang suspek at ang mga narekober na mga bala at mga baril ay dinala sa Bocaue police station para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Nakatakda namang sampahan ng kasong Violation of RA 10591 (Illegal Possession of Firearm) ang suspek. (RONDA Balita Online News)

Ang mga nasamsam na mga baril at mga bala kay Robert Castillo Ora ng Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan. (Larawan mula sa Bocaue PNP)
SHARE
Previous article‘Campus Tour’ ni Kuya Jonathan
Next articleAngat Dam water level rises above minimum operating level
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here