Home National News Lalake nag-amok, namaril ng pulis sa Batangas

Lalake nag-amok, namaril ng pulis sa Batangas

319
0
SHARE

Batangas City — Ginagamot ngayon ang isang pulis matapos barilin ng isang lalake na nag-amok at may dalang baril sa Brgy. Tulo, dito sa nasabing lungsod nu’ng Sabado.

Kinilala ang suspek na si Victoriano Atienza Landicho, nasa hustong gulang at residente sa naturang lugar habang ang pulis na biktima ay si SPO3 Nelson Ramos, nakatalaga sa Paharang Police Community Precinct ng Batangas City Police Station.

Base sa report dakong alas-8:30 ng gabi ng makatanggap ng sumbong ang pulisya galing kay Brgy. Kagawad Florencio Ramirez para ipagbigay-alam ang ginagawang pagwawala at paghahamon sa mga kapitbahay ng suspek na may bitbit na Magnum cal. 22 na baril.

Mabilis na nagresponde sa lugar ang tropa ni SPO3 Ramos para mag-imbestiga subalit agad na pinaputukan sila ng suspek at tinamaan sa tiyan si Ramos na agad nakaganti ng putok at nabaril si Landicho.

Naisugod sa Nazareth General Hospital ang pulis na ngayon ay nagpapagaling na habang binawian naman ng buhay ang suspek habang nilalapatan ng lunas sa Batangas Medical Center.

Nakuha sa lugar ng insidente ang apat na piraso ng basyo ng bala para sa cal. 9mm at ang baril na ginamit ng suspek na may laman na walong bala at isang basyo ng bala para naman sa cal. 22 na baril. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBADAC watchlist killed in Malolos
Next article3 special investigator ng BIR, timbog sa entrapment ng NBI
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here