Lalake ‘nilamon’ ng meat grinder sa Iloilo

0
1831

NAGMISTULANG giniling na karne ang pang-itaas na bahagi ng lalaking empleyado ng isang meat shop matapos itong maipit sa loob ng industrial meat grinder kamakailan.

Ang nasabing insidente ay naganap sa isang pagawaan ng chorizo at longganisa sa Barangay Mansaya, Lapuz, Iloilo City.

Napag-alaman na bago pa lamang na nagtatrabaho sa nasabing chorizo shop ang biktimang si Jomar Junco, 18-anyos at tubong Laua-an, Antique.

Lumabas lamang umano sandali mula sa meat shop ang operator ng grinding machine nang ito ay kanyang pakialaman.

Napag-alaman na naipit ng nasabing makina ang kamay ng biktima pero hindi niya ito kaagad na nahugot na naging dahilan para pumaloob siya sa nasabing grinding machine.

Source: Radyo Inquirer

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here