Lalakeng pinepeke ang pirma ni Pangulong Duterte, inaresto ng PACC at NBI.

0
572
Ang suspek na si Marvin Cuna, ng Binan, Laguna, na nahuli na namemeke ng pirma ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa pamamagitan ng pagbebenta pa ng mga quarantine pass na primado ang Pangulo.

BOCAUE, Bulacan — Inaresto ng magkasanib na pwersa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalakeng pinepeke ang pirma ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kinilala ni PACC Commissioner Greco Belgica, ang suspek si Marvin Cuna, residente ng Binan, Laguna at nagpapanggap miyembro ng Presidential Task Force on Moral Recovery at nagpapanggap rin na miyembro ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 at nagbebenta pa ng mga quarantine pass.

Ayon kay Belgica nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang concerned citizen sa Laguna na si Cuna ay nagbebenta ng quarantine pass na nagkakahalaga ng P1,500 hanggang P3,000 at diumano ay pirmado ni Pangulong Duterte ang mga dala nitong dokumento.

Kagad naman nagkasa ng entrapment operation sina PACC Commissioner Rickson Chong, Commissioner Greco Belgica at NBI Sta. Rosa Laguna district officer Chief Daniel Daganzo laban kay Cuna na nagresulta sa pagkakaparesto nito noong Huwebes.

Nakumpiska mula sa suspek ang pekeng mga iD, cash at mga pekeng dokumento ng IATF.

Ayon kay Belgica, ang suspek ay miyembro ng isang Non-Government Organization na nagpa-accredit sa isang ahensya ng pamahalaan para magboluntaryong tumulong para masugpo ang pagkalat ng epidemya.

Nilinaw rin ni Belgica na hindi konektado si Cuna sa Office of the President o saan man ahensiya sa Malacanang

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI at mahaharap sa kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act of 2020 at falsification of documents.

Klinaro rin ni Belgica na walang ibinebenta na anumang dokumento ang gobyerno sa gitna ng krisis sa COVID-10.

Nagbabala si Belgica sa publiko na mag-ingat sa ganitong mga uri ng panloloko at agad na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling may mabatid na ganitong uri ng mga modus operandi. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here