Home National News Lalaki, arestado sa shabu sa Candon City

Lalaki, arestado sa shabu sa Candon City

39
0
SHARE

CANDON CITY, Ilocos Sur — Arestado ang isang 28-anyos na lalaki sa isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng mga miyembro ng Candon-PNP nung Sabado (August 17) ng hapon sa Brgy. San Juan, naturang lungsod.

Ang suspek ay si Daru Macalimbon Langco, isang street vendor, tubong-Marawi City, Lanao Del Sur, Mindanao pero kasalukuyang naninirahan sa isang paupahang bahay sa Brgy. San Juan, Candon City.

Nakuha sa suspek ang isang small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na ginamit bilang buy bust item at ang 500 pesos na ginamit bilang buy bust money.

Maliban sa mga ito, may nakuha rin ang mga otoridad mula sa bulsa ng suspek. Nakakuha sila ng tatlong small heat sealed transparent plastic sachet na tulad ng ginamit na buybust item ay may laman din na white crystalline substance na hinihinalang shabu; 1 small white plastic container na may laman na white crystalline residue na hinihinalang shabu; 1 samsung cellphone; at Php 4, 650.00.

Ang suspek ay nakakustodya ngayon sa Candon City Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBiktima ng dengue sa Ilocos Sur, umabot na sa 2,524
Next articleHindi mga makina ang mga guro!
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here