Home National News Lalaki binaril sa ulo habang natutulog sa Batangas, patay

Lalaki binaril sa ulo habang natutulog sa Batangas, patay

541
0
SHARE

LIPA CITY, Batangas — Namatay habang ginagamot sa Lipa City District Hospital nitong Miyerkules (Oct. 17) ng tanghali ang isang lalaki na biktima ng pamamaril nu’ng martes sa Brgy. 2 sa nasabing lungsod.

Nakilala lamang biktima sa pangalan na alyas Louise, nasa hustong gulang.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Lipa City PNP nakitulog ang biktima sa bahay ng kaibigan na si Danilo Santos ng lapitan at barilin sa ulo ng di pa batid na kalibre ng baril ng isang hindi kilalang suspek na mabilis na tumakas nang maisagawa ang krimen na naglakad lang sa di tukoy na direksyon.

Mabilis naman isinugod sa nabanggit na ospital ang biktima sanhi ng tinamong sugat sa ulo subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang Scene of the crime operatives o SOCO at inilatag na rin ang Oplan Iron Curtain para madakip ang suspek na may gawa ng krimen. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article‘Tulak’ at 9 na adik timbog sa buy-bust sa QC
Next articleIllegal drugs trade now a P215-billion industry — Duterte
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here