Home National News Lalaki ‘comatose” ng tumalon mula sa truck sa La Union

Lalaki ‘comatose” ng tumalon mula sa truck sa La Union

20
0
SHARE

SAN FERNANDO CITY — Hanggang ngayon ay comatose pa rin ang isang 30-anyos na lalaki matapos na tumalon pababa mula sa sinasakyan nilang ELF truck Miyerkules ng gabi (Nov. 7) sa San Gabriel, La Union.

Patuloy na inoobserbahan sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) sa San Fernando City ang hindi pa nagkakamalay na biktima na nakilala sa pangalang James Jucalo, 30 anyos, binata, at residente ng Brgy. Lipa Este, San Gabriel, ng naturang lalawigan.

Base sa kuwento ng mga kasama ng biktima na nakasakay sa naturang truck at pati na rin ang driver na si Ariel Bilieg, 42 anyos, residente ng Poblacion, San Gabriel, ay bigla na lang umanong tumalon ang biktima pababa habang tinatalunton nila ang kahabaan ng kalsada sa Brgy. Tangui.

Kinumpirma ng mga kasamahan ng biktima na si Jucalo ay may problema sa pag-iisip at isa ito sa mga tinitingnan ngayon na posibleng rason kung bakit nagawang tumalon ng biktima mula sa sinaksakyan nitong truck. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMagkapatid sinaksak ng kainuman ng ama; 1 patay, 1 sugatan
Next articleNPA leaders at 2 iba pa timbog sa mga baril, bala sa QC
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here