Home National News Lalaki inatake sa puso habang nagmamaneho sa Ilocos Sur, tigok

Lalaki inatake sa puso habang nagmamaneho sa Ilocos Sur, tigok

40
0
SHARE

VIGAN CITY — Dead on arrival sa Metro Vigan Cooperative Hospital sa Bantay, Iocos Sur ang isang lalaki matapos na tumaas ang presyon ng dugo nito habang nagmamaneho ng tricycle nu’ng Biyernes (Nov. 2)  sa Santa, Ilocos Sur na naging sanhi ng pagkakaaksidente nito.

Kinilala ng Santa-PNP ang biktima na si Sotero Racusa Raboy, 35-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Pantay Fatima, Vigan City. Base sa report, kasalukuyang tinatahak ng biktima ang kahabaan ng national highway sa Brgy. Labut Sur ng naturang bayan nang biglang umatake ang kanyang highblood.

Nabatid na nawalan ng kontrol ang biktima sa manibela hanggang sa tumilapon at mahulog siya sa isang kanal na nasa tabi ng kalsada.

Sa nangyaring aksidente, napag-alaman na ang biktima ay nagtamo lang  ng konting galos o sugat sa kanyang katawan pero sa kabila nito  ay hindi na siya umabot nang buhay sa nasabing pagamutan.

Ayon sa doktor na tumingin sa biktima,  hindi ang nangyaring aksidente ang ikinamatay ng suspek kundi ang atake sa puso na naramdaman nito bago pa man nangyari ang aksidente. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article1 patay, 1 sugatan sa vehicular accident sa Ilocos Norte
Next articlePRO3 joins 4th Nationwide Earthquake Drill
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here