Lalaki natagpuang tadtad ng saksak sa isang kagubatan sa Ilocos, patay!

0
127

ILOCOS SUR- Wala ng buhay at naliligo sa sariling dugo ang isang 55-anyos na lalaki nang makitang nakahandusay sa isang kagubatan sa bayan ng San Juan ng lalawigang ito nung Biyernes (Pebrero 22) ng gabi.

Kinilala ng San Juan-PNP ang biktima na si Felix Berto Lucrecio Vallangca, 55 anyos, may asawa, at nakatira sa Brgy. Darao, ng naturang bayan.

Base sa ulat, bandang 8 ng umaga nang umalis sa kanilang bahay ang biktima para puntahan ang tinatamnam niyang lupa na matatagpuan sa isang bahagi ng kagubatan sa Sitio Naguludan ng naturang barangay pero hindi na umuwi hanggang dumating ang gabi.

Dahil sa pag-aalala ng mga miyembro ng pamilya ng biktima, agad na nagtungo sila sa naturang kagubatan at doon ay hinanap nila ang biktima.

Bandang 9:15 ng gabi nang makita nila ang biktima na tadtad ng saksak ng kutsilyo ang katawan, duguan at hindi na humihinga.

Agad nilang dinala ang biktima sa Pira Clinic and Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Ayon sa San Juan-PNP, base sa hitsura ng biktima ay umaga pa lang ay posibleng nangyari na ang naturang krimen.

Nabatid na blangko pa sa ngayon ang San Juan-PNP kung ano ang motibo sa nangyaring krimen lalo pa’t base sa pahayag ng kapitan ng kanilang barangay at pati na rin ang pamilya ng biktima ay maganda naman ang record ng nito at walang napapabalitang kagalit o kaaway man lang ang biktima. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here