Home National News Lalaki patay sa banggaang motorsiklo vs L300 van

Lalaki patay sa banggaang motorsiklo vs L300 van

103
0
SHARE

ILOCOS SUR — Patay habang ginagamot sa hospital ang isang 38-anyos na lalaki matapos na bumangga ng sinasakyan nitong motorsiklo sa isang L300 van nung Martes (November 12) ng gabi sa national highway sa Brgy. Poblacion East, San Ildefonso ng lalawigang ito.

Kinilala ng San Ildefonso PNP ang biktima na si Joselito Tagudar Tabin, Jr., may asawa at residente ng Brgy. Paras, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng San Ildefonso-PNP, galing ng Bantay, Ilocos Sur ang biktima at pauwi na sa Brgy. Paras, Sto. Domingo sakay ng motorsiklo.

Nabatid na nang makarating sa lugar kung saan nangyari ang aksidente ay bigla umanong umagaw ng linya sa kabilang lane ang biktima kaya bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa nakasalubong nitong L300 van na minaneho ni Geronimo Lagasca na taga- Brgy. Pandayan, San Juan.

Ang biktima na nagtamo mga grabeng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ay agad na dinala sa Northside Doctors Hospital matapos ang insidente pero ilang oras lamang ang nakalilipas habang ginagamot ito ay binawian ito ng buhay. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous article2 lalaki huli sa buybust ops sa Ilocos Sur
Next articleEarthquake drill held at Philippine Arena in preparations for the SEAG
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here