Lalaking nais pumasok ng mall, huli sa ‘damo’ sa CSJDM

0
888

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Marahil ay gusto lang mag-window shopping ng isang 28-anyos na lalaki ngunit sa kulungan ito napadpad matapos makuhanan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa main entrance ng SM Mall sa Brgy. Tungkong Mangga sa nasabing lungsod nu’ng Linggo (Jan 19).

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., CSJDM chief of police, kinilala ang nadakip na suspek na si Carlo Oliver Perez, residente ng Talipapa, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumasok sa ikalawang entrance ng SM mall ang suspek kung saan ininpeksyon ng mga security guard ang gamit nito.

Tumambad sa mga guwardiya ang maliliit na plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Agad na dinala ang suspect sa CSJDM police station habang inihahanda na ang kaukulang kaso na isasampa rito.

Pansamantalang nakadetine ang suspect sa kulungan ng nasabing lungsod. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here