Lalaking nakikitira pinatay sa saksak sa Pandi

0
121

PANDI, Bulacan — Patay ang isang lalaking nakikitira sa bahay ng suspek na isang construction worker matapos burdahan ito ng saksak kamakalawa.

Base sa ualt kay Bulacan Police Director Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang napatay na si Jerry Balesteros habang ang suspek ay isang Paul Rosero, residente ng Santisima Trinidad, Brgy. Bagong Barrio, Pandi.

Ayon kay Major Joy Placido, Pandi police chief, naganap ang pananaksak bandang 4:05 ng umaga sa bahay mismo ng suspek sa naturang lugar.

Base sa salaysay ng lasing na suspek kay Placido, inagaw umano ng biktima ang kanyang celphone kaya nagdilim ang kanyang paningin at tinadtad niya ito ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan.

Agad namang nadala sa Rogaciano Hospital ang biktima sa bayan ng Sta. Maria subalit idineklara na itong dead on arrival.

Sinasabing nakikitira lamang ang biktima sa bahay ng pamilya ng suspek.

Nakuha sa lugar ang kitchen knife na pinangtadtad ng suspek sa ibat-ibang parte ng katawan ng biktima.

Nahaharap sa kasong Homicide ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa Pandi Municipal Jail. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here