Home Bulacan Local News Lalaking pumatay ng dalaga sa Meycauayan, patay sa buy-bust

Lalaking pumatay ng dalaga sa Meycauayan, patay sa buy-bust

40037
7
SHARE
Ang suspek sa pagpatay ng isang dalaga sa Meycauayan City nung Linggo (Sept. 22) habang sinusuri ng Bulacan SOCO matapos mapatay sa isang engkwentro sa buy-bust operation sa Brgy. Pajo, Biyernes, Sept. 27, 2019. (Larawan mula sa Bulacan Police Provincial Office)

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan — Patay sa isinagawang buy-bust operation ang lalaking suspek sa pagpatay ng isang 19-anyos na dalaga sa Brgy. Pajo nu’ng nakaraang Linggo (Sept. 22).

Victim Lezzel Jadloz y Mendova, 19, dalaga, residente ng #426 Maligaya Village , Brgy Pajo. Meycauayan City.

Ayon kay P/Col. Chito G. Bersaluna, Bulacan Provincial Director, napatay ng mga pulis ang suspek na si Jomari Satur y Dela Peña alias Tomtom, 25 anyos at residente ng Maligaya Village, Brgy. Pajo sa naturang lungsod Biyernes (Sept. 27) ng madaling araw sa De Vera St., Brgy. Pajo.

Nanlaban umano si Satur at pinaputukan ng baril ang mga pulis habang inaaresto dahilan para gumanti at mabaril siya ng mga pulis.

Narekober sa suspek ang 11 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu, 1 kalibre .38 at buy-bust money.

Nabatid na responsable umano ang suspek sa panggagahasa at pagpatay kay Lezzel Jadloz y Mendova, 19, dalaga, residente ng #426 Maligaya Village , Brgy Pajo. Meycauayan City.

Base sa ulat, bandang alas-12:30 ng madaling-araw nung Linggo (Sept. 22) ng tangkang gahasain ng suspek ang biktima.

Ang biktima na si Lezzel Jadloz na walang awang pinatay ng drug suspect na si Jomari Satur. (Larawan mula sa Bulacan Police Provincial Office).

Nang manlaban umano ang biktima ay walang awang pinagsasaksak ito ng suspek hanggang sa mamatay.

Mabilis na itinakbo ang biktima sa Marymount Hospital ngunit idineklara na itong patay ng umantabay na doktor. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSM brings medical, dental benefits, vision care to Bulakenyos
Next articleBulacan cops join in 34th International Coastal Cleanup Day
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

7 COMMENTS

  1. Kapatid sa INC ang pinatay mo. Kaya di ka makakatakas pag pinagkaisahan ka naming I post para mahuli ka. Yan ang napala mo. Marami kaming kapatid SA INC ang nalungkot. Nag Karin ng result ang pag po post ko araw at lahat ng INC para di ka makatakas at mahuli.Yan ang napala mo! – Klaudia Koronel

  2. SANA HINDI PINATAY NG MGA PULIS, PARA PAGDUSAHAN NYA GINAWA NYA, MARANASAN NYA YUNG HIRAP SA KULUNGAN … PERO KAPAG ANG AMA TALAGA ANG HUMAKBANG GUMAWA NG PARAAN PARA IPAGHIGANTI ANG ANAK NYA WALANG MAKAKAPIGIL .. PURIHIN KA AMA , TUNAY NA BUHAY KA SA BAYAN MO, NAWA MAGING PAYAPA NA ANG PAMILYA NG ATING KAPATID .. MAGING LESSON ITO SA LAHAT NA PALAGING MANALANGIN AF MAG IINGAT ANG BAWAT ISA SA ATIN MAPA BABAE MAN O LALAKI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here