Home Katropa Rumoronda Landfill sa Bulacan, inirereklamo

Landfill sa Bulacan, inirereklamo

44
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

ANO ba ang kahalagahan ng kalikasan sa atin? Ang kabuluhan nito ay ang patuloy na pagbibigay ng tulong sa sangkatauhan, ang hanging ating nalalanghap, ang tubig na ating naiinom upang patuloy tayong mabuhay. Karagdagan pa ang ating nakukuhang makakain, gamot, mga gamit sa ating ginagawang pahingahan, ang paiba-ibang klima ng panahon, mga pagkaing nakapagpapalusog. Kaya ang Kalikasan ay dapat na pangalagaan at hindi dapat lapastanganin.

Ang landfill na matatagpuan sa mataas na bahagi ng bundok sa Barangay San Isidro, San Jose Del Monte, Bulacan. (Kuha ni Vito Moslares)

Subalit sa paghahangad ng tao na kumita ng malaking halaga ng salapi, ang ibang nilalang ay patuloy na inaabuso ang kalikasan, at hindi alintana ang masamang naidudulot nito sa buhay ng kapwa tao. Isa na rito ay ang ating natuklasang lugar, kung saan nakabukadkad na tapunan ng mga basura sa itaas ng bundok.

Nitong nakaraang ilang araw ay nakasama ang inyong lingkod sa grupo na magmamasid sa kalidad ng hangin at tubig, na idinudulot ng isang ‘Landfill’ sa mataas na bahagi ng bundok na matatagpuan sa Barangay San Isidro, San Jose Del Monte, Bulacan. Ang ‘Landfill’ ay isang lugar kung saan itinatapon ang mga basura at iba pang ‘waste materials.’

Sa ilang kilometrong haba na aming nilakbay sa nasabing lugar, kasama ang grupo ng Civil Security Unit (CSU,) ilang tauhan ng CENRO, DENR, Philippine National Police (PNP) ilang tauhan at Opisyal ng Barangay at miyembro ng MEDIA, ay natuklasan na ang sapa o batis na nasa paanan ng ‘landfill’ ay inaanuran ng tubig na tila kulay kape. Ika nga ng isang nagmamasid, ito ay kakulay ng alak ‘emperador,’ na dapat sana ay mala-kristal ang kulay ng tubig.

Habang hinahabol ko ang aking hininga sa hirap, sa pagbagtas sa mga batuhan, talahiban, tubig sapa, masukal na daanan at tagiliran ng bangin (humigit-kumulang sa pitong kilometro ang layo na aming nilakad, pataas at pagbaba sa bundok) ay langhap ko at ng iba pa ang masansang na amoy ng hangin.

Ayon kay Reynaldo Cordona, dating Kapitan ng Paradize 111 (2002-2013,) LSJDM, siya ay matagal ng nagre-reklamo sa nasabing ‘landfill,’ “ang mga basurang itinatapon dyan ay halu-halo. ‘Mixed waste’ ang basura, hindi naman ‘segregated’ yan. Malapit sa Santa Maria river, kung saan doon kumukuha ng pandilig sa mga halaman ang mga magsasaka. Idinidilig nila sa halaman ay may lason. Ano ang mangyayari sa ating mga magsasaka? Maraming nagkakasakit. Eh kung tatanungin mo siyempre ang mga tao dyan sa karatig ng ‘sanitary landfill’ eh takot at ayaw magreklamo.

Isarado na ang basurang iyan! Matagal ko ng ipinaglalaban iyan eh. Siyempre ang ating Mayor at ang ating Congresswoman ay ayaw niyan. Kaya nga ang ating Mayor ay masigasig sa pagpapasara ng ‘sanitary landfill.’ Karamihan sa mga tao dito ay nais na maisarado talaga iyan. Ang masakit nito ang mamamayan ng San Jose Del Monte ay hindi nagtatapon (basura) dyan, pero ang iba’t ibang bayan ay nagtatapon dyan, eh gaano kasakit ‘yun. Tapos sinisira pa ang bagong gawang kalsada.”

Tsk! Tsk! Tsk! Ilan pang benepisyo ng kalikasan, ay ang kabawasan sa tinataglay na ‘stress.’ Totoo na kapag nasa lugar ka ng mga may magagandang tanawin, tiyak na bababa ang nararamdamang galit at takot, ang kapalit ay isang payapang damdamin. Dahil sa ganyang pandama ay nakababawas sa presyon ng dugo, maayos na pintig ng puso, karamdaman sa mga kalamnan at produksyon ng stress hormones. Subalit balintuna sa aking naranasan at lalo ng tumambad sa akin ang lantad na tambak ng basura.(RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here