Home Bulacan Local News Landfill sa San Jose del Monte, hinirit na ipasara

Landfill sa San Jose del Monte, hinirit na ipasara

48
0
SHARE

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Hiniling ng mga residente ng nabanggit na lungsod kay Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagpapasara sa 18 ektaryang Open Dumpsite sa nasabing lugar dahil sa perwisyo umanong dulot nito.

Kasabay nito ay nagsagawa ng prayer rally sa kanilang simbahan ang mga residente, religious sector, Barangay officials, farmers group at iba pang NGOs bilang pagtutol sa patuloy na operasyon ng tambakan ng basura na nasa Brgy. San Isidro.

Ayon sa isa sa mga apektado sa tambakan ng basura na si Reynaldo Cardona, dating Chairman ng Brgy. Paradise, labis silang nag-aalala na posibleng madamay at masira ang watershed area na bahagi ng Sierra Madre dahil na rin sa mga basurang itinatapon mula sa 17 bayan sa lalawigan ng Bulacan at ilan pang lugar sa Metro Manila na sinasabing ino-operate ng Wacuman company.

Naniniwala ang mga residente sa apat na Barangay sa San Jose Del Monte City na tuluyang matitigil ang operasyon ng dumpsite kung mamamagitan ang administrasyon ni Pangulong Duterte.

Bukod kasi anila sa pagkakasakit ng mga residente ay apektado na rin ang mga estudyante ng dalawang Elementary school sa Brgy San Isidro at Brgy Paradise sa mabahong singaw ng open dump site.

Samantala, dumulog na rin kay Mayor Arthur Robes ang grupong Asosasyon sa Lipunan na Ayaw sa Basura (ALAB) upang hilingin sa pamahalaang lungsod na tutulan ang pagbabalik operasyon ng Wacuman Sanitary Landfill sa boundary ng San Jose Del Monte at Norzagary, Bulacan.

Ayaw umano ng grupo na gawing tapunan ng basura ang kanilang lugar. Ito ay kaugnay sa naiulat na paglabag sa enviromental laws ng nasabing landfill.

Nangako naman ang pamahalaang lungsod na magsasagawa ng imbestigasyon at aaksiyunan ang suliranin ng mg residente sa lugar.

Matatandaan na nainspeksiyon na ang landfill at nasirang daan kamakailan ni PACC Greco Belgica kasama ang DPWH upang maipagawa ang daan at muling maituloy ang operasyon ng nasabaing landfill. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePNR Clark Phase 1, walang patid ang konstraksyon
Next articleHoldupper, extortionist and 3 other law violators nabbed in Bulacan
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here