Home Featured Story Larawan ng Mayon Volcano na may umbrella cloud, trending!

Larawan ng Mayon Volcano na may umbrella cloud, trending!

94
0
SHARE

VIRAL ngayon sa isang social media site ang larawan ng sikat na bulkan sa Pilipinas na tila’y may suot na payong.

Bandang alas-singko ng umaga noong Abril 23, nakuhahan ni Facebook user Noli Luna ang Bulkang Mayon na may nakapatong na nakamamanghang hugis payong na ulap. Ibinahagi agad ni Luna sa kanyang account ang litrato at may caption na: “Daragang Magayon, wearing her white umbrella…”

Tinatawag na lenticular clouds ang nakita sa ibabaw ng Mayon Volcano. Narito ang explanation ni Accuweather.com Meteorologist Jesse Ferell tungkol sa nangyaring cloud formation: “When air moves over mountains, cooling sufficiently for condensation to take place. Lenticular clouds are different from other clouds because they don’t move.”

Samu’t-saring ang naging reaksyon ng mga netizens sa larawang ito. Ilan dito ay:

“Sobrang init na daw ng panahon kaya pati Mayon nagpayong na. Charot”
“Wow ang ganda naman!”

“Magayon in its real sense beautifully amazing.”

Sa ngayon, umabot ng mahigit 32.3k likes at 30,325 shares ang post.

Source: RMN news

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here