Home News Report Lasing na driver ng motorsiklo sumalpok sa e-bike; magtiyuhin sugatan

Lasing na driver ng motorsiklo sumalpok sa e-bike; magtiyuhin sugatan

343
0
SHARE

NAGTAMO ng sugat sa ulo at bali sa kanang braso ang isang 46-anyos na lalaki habang madurog naman ang buto ng ilong ng mukha ng angkas nitong 17-anyos na dalagita ng salpukin ang likurang bahagi ng kanilang sasakyang e-bike ng isang rumaragasang motorsiklo sa isang intersection sa road-10 North Bay Boulevard South, Navotas City kamakalawa ng madaling araw.

Nakilala ang magtiyuhing biktima na sina Henry Deiparine, binata, biyahero, at Erica D. Genonsoloa, kapwa nanunuluyan sa Block.27, Lot. 38-A Phase-2, Area-1 NBB South, ng nasabing lungsod habang kinilala naman ang driver ng nakabanggang motorsiklo na si Vincent Anthony Pajanado Y Morales, 19-anyos, kasalukuyang nakatira sa NBB North Navotas City.

Batay sa ginawang imbestigasyon ni PO2 Carim Suboa, may hawak ng kaso ng Navotas Traffic Police, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Road-10 ng nabanggit na siyudad.

Binabaybay ng magtiyuhin ang lugar kong saan ng papaliko na ang mga ito upang magtungo sana sa fishport ng biglang salpukin ang likurang bahagi ng kanilang sinasakyang e-bike ng isang mabilis na motorsiklo na may plakang 1303-0278512 na siyang dahilan para kapwa tumilapon ang magtiyuhing biktima.

Dahil na rin sa nangyaring insidente ay agad namang tinulungan ng mga nakasaksing concerned citizen ang magtiyuhin na agad namang dinala sa Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center dahil na rin sa mga grabeng pinsalang tinamo ng mga biktima habang napag-alaman din ng pulisya na ang driver ng motorsiklo ay lango noon sa alak.

Sa panayam ng RONDA BALITA NEWS kay Mrs. Erna Deiparine kapatid ng biktima kung bakit sila pa aniya ang hinihingan ng danyos ng pamilya ni Vincent gayong ang anak naman nila ang may kasalanan sa nangyaring insidente kung saan higit sa 100,000.00 piso kapalit aniya sa hindi na pagpa-pa blotter at pagsampa sa korte para sa kasong isasampa ng mga ito sa pamilya Deiparine.

Samantala, nakatakda na ring magsampa ng kaukulang kaso at danyos sa piskalya ang pamilya Deiparine dahil sila anila ang agrabyado dahil sa dalawa ang kanilang pasyente kong saan ay hanggang sa ngayon ay iniinda ng dalagita ang pagka durog ng buto at bali sa kanang braso at ilong nito habang ang tiyuhin naman nito ay nabali ang kanang braso.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here