Home National News LBC inulan ng sunud-sunod na reklamo

LBC inulan ng sunud-sunod na reklamo

446
0
SHARE

GUWARDIYADO na ngayon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang LBC Express dahil sa dami ng reklamo ukol sa palpak na serbisyo ng courier company mula sa kanilang mga kliyente.

Napag-alaman na mismong ang naturang ahensiya na nangangasiwa sa mga parcel delivery service sa bansa ay nakatanggap na rin ng mga reklamo mula sa mga kustomer ng naturang courier company.

Base sa impormasyon, umabot sa tatlo hanggang limang reklamo laban sa LBC ang natatanggap ng DICT linggo-linggo mula sa iba’t ibang sangay ng LBC.

May 6,400 sangay ang LBC sa iba’t ibang panig ng bansa maliban pa sa mga tanggapan nito sa labas ng Pilipinas.

Una nang inulan ng mga reklamo ang LBC Express ngayong Marso dahil sa mga naantalang parcel delivery nito mula Davao hanggang Nueva Vizcaya.

Kabilang sa mga ini­rereklamo ng kanilang mga kliyente ay hindi lamang sa pagka-antala ng inaasahang padala kundi maging ang ibang empleyado ng kompanya na wala umanong modo sa pagharap sa mga tumatangkilik sa kanilang serbisyo.

Napag-alaman na umaabot sa 99 porsiyento ang mga natatanggap na reklamo linggo-linggo laban sa LBC at sinabi ng DICT na karamihan naman sa mga ito ay inaaksyonan o nasosolusyonan na.

Sinabi naman ng LBC na pasok pa naman sila sa kanilang performance standards at tinawag na ‘isolated incidents’ ang mga pangyayari.

Bukod sa parcel delivery services, tumatanggap din ng remittances ang LBC at nagsisilbing bills payment center.

Pag-aari ng angkan ng mga Araneta ang LBC na itinatag ni Carlos ‘Linggoy’ Araneta. Ang kasalukuyang chief executive officer ng kompanya ay si Santiago ‘Santi’ Araneta.

Source: Abante

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here