Home Striker LSB mula sa lokal na Pamahalaang Bayan, nauulat ba ito?

LSB mula sa lokal na Pamahalaang Bayan, nauulat ba ito?

74
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

MATAGAL nang katanungan ng ilang punong guro at guro sa buong lalawigan ng Bulacan kung magkano ba ang pondo ng Local School Board (LSB) na nagmumula sa bawa’t pamahalaang bayan.

Hindi ba dapat inuulat ito ng Supervisor kung magkano ang pondo ng LSB kada school year. At kung saan nga ba ito napupunta. Karapatan ng punong guro sa bawa’t paaralan na malaman ang kabuuang halaga na nilalaan ng pamahalaang bayan sa Local School Board. Dahil may bahagi ang bawa’t paaralan ayon sa kanilang populasyon. Kung gaano man kalaki ng populasyon dapat lamang na maging malaki ang pondo na maging bahaging badyet sa naturang paaralan.

Hindi pa dapat lamang na may transparency report ang supervisor sa bawa’t distrito sa mga pampublikong paaralan? Nakapag-susumite ba ng tamang report kung saan napupunta ang pondo ng LSB?

Bagama’t mayroon namang nag-uulat, ay tila iilan lamang ang nakakasunod dito. Na pinababatid sa mga punong guro kung magkano ang halaga na nakalaan sa pondo ng LSB sa kanilang distrito. Tulad ng mga dapat paglaanang gastusin sa athletic meet, school supplies, BSP, GSP, pagawain at iba pa. Ito ba yung tamang pinagkaka-gastusan sa pondo mula sa LSB?

Ayon sa aking bubuwit ay may ilang mga lalawigan na ang nakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ay ang Central Principal. Upang siya naman ang makikipag-ugnayan sa kapwa punong guro sa buong distrito upang alamin ang pangangailan sa kanilang paaralan. Ito dapat ang tamang proseso sa paggamit ng pondo ng LSB.

Nang hindi nag-iisip ang mga punong guro kung magkano at kung saan napupunta ang taunang pondo na nilalaan ng mga lokal na pamahalaan sa bawa’t bayan na para sa Edukasyon at tungo sa kinabukasan ng mga kabataan.

Ayon pa sa aking bubuwit na umano’y naging daan ng pagpapayaman lamang ng ilang visor ang naturang pondo ng LSB.

Para naman po sa lahat ng School Board sa bawa’t pamahalaang bayan, maging alerto sa mga ulat ng mga Supervisor sa mga pampublikong paaralan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here