Home Showbiz Lea Salonga imbyerna sa kalagitnaan ng concert

Lea Salonga imbyerna sa kalagitnaan ng concert

18
0
SHARE

IMBYERNA si Lea Salonga dahil na-distract siya habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang concert na ginanap sa Scottsdale Center for the Performing Arts sa Arizona, USA kamakailan.

Distracted ang singer sa malakas na ring ng cellphone mula sa audience. Agad niyang pinatigil ang prompter at sinabihan ang audience na sagutin ang tawag at baka raw emergency.

“I heard a phone ringing over there and I will stop and ask you to answer because it could be emergency. Emergency happens and just go ahead and answer it. I’ll wait, that could be an emergency.”

Sa twit ni Lea, ang pagri-ring na cellphone sa loob ng performing arts theater ay insulto sa mga nagpe-perform.

Nagbigay naman daw siya ng warning sa audience na i-off ang mga cellphones o di kaya ay i-silent mode para raw hindi maka-distract sa show.

Kahit nakataas pa umano ang kilay ng singer ay composed pa rin siyang naghintay and after the incident ay itinuloy din niya ang show. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBarbie Forteza nagreklamo sa sobrang mahal ng kinain
Next articleJulia Barretto umaming pinagseselosan ni Joshua si Daniel Padilla
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here