Leading-lady ni Dingdong Dantes sa ‘DOTS’ hinahanap na

0
161

UNANG ipinakilala nang GMA-7 ang casts ng “Descendant of the Sun” na in-adapt sa Koreanovela at pinangungunahan ni Dingdong Dantes.

Kasama sa naturang teleserye sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis. Pero ang leading lady ni Dingdong ay hindi pa ina-announce ng Kapuso Network.

May nagsasabing si Jennylyn Mercado raw ang makakapareha ni Dingdong kaya lang  nmukhang walang kasiguruhan dahil mukhang mae-extend daw ang teleserye nina Jennylyn at Gabby Concepcion dahil maganda raw ang rating ng Love You Two.

Sabi naman ng mister ni Marian Rivera, “Meron pa raw yatang hinihintay.”

May nagsasabi namang bakit hindi na lang raw si Carla Abellana ang ipareha kay Dingdong?

By the way, may nagtatanong na fans ni Alden Richards.

Tanong lang po, hindi po ba ang dating nakalinyang gagawa ng DOTS ay si Alden Richards?

Ano po ang nangyayari at napunta na kay Dingdong?

Sa tanong na eto ay wala kaming maisagot.

May tsikang nakarating lang sa amin, na may gagawing ibang serye ang Pambansang Bae.

Kaya raw nagpapayat si Alden dahil aksyon ang bagong proyekto niya na may temang kaseksihan?

Just asking!!! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here